Tunghayan ang Matagumpay na Kuwento ng Pag-Asenso ng Isang Dating Carwash Boy na Ngayon ay Isa ng Milyonaryo!

Sinong mag-aakala na ang isang carwash boy noon ay dadagsain ng biyaya sa kanyang buhay. At dahil sa kanya ngang pagsusumikap sa kabila ng napakaraming pagsubok na kanyang pinagdaanan, ngayon nga ay tinatamasa niya ang buhay ng pagiging isang milyonaryo.
Nitong nakaraan nga lamang ay naitampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang puno ng inpirasyon na kuwento ng pagtatagumpay sa buhay ni Edmar, isang dating carwash boy.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Ayon sa ulat, si Edmar ay isang dating carwash boy, ngunit kung noon ay sa ibang tao nga ang mga sasakyan na nililinisan niya, ngayon ay sarili na nga niyang sasakyan ang kanyang nililinis, at ito ay hindi lamang isa, dahil napakarami na nga niyang naipundar na sasakyan dahil sa tagumpay sa buhay na kanyan tinatamasa ngayon.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Hindi lamang nga mga sasakyan ang mayroon si Edmar, dahil mayroon na din siyang sariling bahay, paupahan na apartment, mga delivery trucks at negosyo. Kung noon nga ay Php100 lamang ang naiuuwi ni Edmar mula sa kita niya sa pagka-carwash, ngayon nga ay milyon-milyon na ang kanyang kinikita.

Ngunit tulad ng ilan, ay hindi rin naging madali ang buhay ni Edmar bago niya tamasain ang buhay na mayroon siya ngayon. Ayon sa kanya, lumaki siya na hiwalay ang kanyang mga magulang. Kuwento niya, ang kanyang ina ay nagtatrabaho sa Maynila, kaya naman siya ay nanirahan sa poder ng mga kamag-anak.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Kalaunan naman ay binawi na rin umano siya ng kanyang ina, at nanirahan nga sila sa Maynila kung saan ay nakasama niya ang bagong pamilya nito. Dahil dito, hindi niya maiwasan na minsan ay masumbatan siya ng kanyang ina. Ibinahagi rin ni Edmar na isa sa mga hindi niya naranasan maliban sa pagkakaroon ng buong pamilya, ay ang magkaroon sila ng family picture, ni isa ngang umano larawan nila na buo sila ng kanyang ina at ama ay wala siya.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Kuwento ni Edmar, bago niya narating ang magandang buhay na mayroon siya ngayon, ay iba’t ibang trabaho rin muna at pagsubok sa buhay ang kanyang hinarap. Naging carwash boy nga siya, at ang naiuuwi nga lamang niya na kita noon ay Php100. Ibinahagi rin niya kung gaano ba kahirap ang trabaho ng isang carwash boy.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Dahil sa kagusutuhan niya ngang magkaroon ng mas magandang trabaho ay nag-abroad din umano si Edmar. Siya ay nagtungo sa bansang Macao, at doon nga ay nakipagsapalaran na makahanap ng magandang trabaho, ngunit hindi nga naging kasing-init ng kape ang kanyang kapalaran doon. Matapos lamang ang dalawang buwan, ay nagbalik siya sa Pilipinas ng walang kapera-pera.

Makalipas naman ng ilang buwan ay nagtrabaho bilang isang stockman sa isang mall si Edmar. Sa kagustuhan niyang makatapos ng pag-aaral, ay nag-enroll naman siya sa TESDA kung saan ay kumuha siya ng kursong barista, at nang matapos nga niya ito ay nakakuha siya ng allowance na Php8000.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Ang pera ngang nakuha niya sa TESDA at naipon niya dating trabaho ang ipinangsimula ni Edmar sa kanyang kauna-unahang foodcart ng frappe, at naging patok nga ang produkto ng kanyang foodcart business dahilan para makapagpagawa pa siya ng anim pa nito.

Dito na nga siya unti-unting umasenso at nagbago ang kanyang kapalaran. Sa panahon din na ito nakilala niya ang napangasawa niya na si Kim, na ayon nga kay Edmar ay ang misis niya ang kanyang lucky charm.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Ngunit matapos nga na maikasal nina Edmar at Kim ay dito naman dumating ang mga pagsubok sa kanila, kung saan humina ang negosyong foodcart ni Edmar at nagpatong-patong pa ang lahat ng kanilang mga bayarin. Saad pa niya, dumating pa nga siya sa punto na naisangla niya ang kanyang kotse at wedding ring ng panahon na ‘yon.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Muli namang sinubukan ni Edmar na isugal ang natitira niyang ipon para sa foodcart business uli, kung saan ay umattend pa nga siya ng orientation para mas lalong madagdagan ang kaalaman niya sa ganitong uri ng negosyo.

Unti-unti ngang nakabawi si Edmar, at mula nga sa pagsisimula muli sa isang foodcart ngayon nga ay mayroon na siyang 250 foodcart nationwide, kaya naman talagang umaabot sa mahigit Php500,000 ang kanyang kinikita sa isang buwan.

Photo credits: Jessica Soho | YT

Halos lahat nga ng pangarap ni Edmar sa kanyang buhay ay natupad na niya, maliban na lang sa noon pa man ay pangarap niya na magkaroon nga sila ng kanyang pamilya ng family picture. At dahil dito ay tinunton nga ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang am ani Edmar at iniluwas ito sa Maynila, at dito na nga nagtagpo ang landas ng mag-ama, nagkita ring muli ang dating mag-asawa [ang ama at in ani Edmar]. Natupad na rin nga sa wakas ang pangarap ni Edmar na family picture.
Ayon nga kay Edmar ang mga karanasan niya sa buhay ang naging inspirasyon niya, at ang paniniwala niya na darating ang panahon na iaangat din siya ng Panginoon.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *