Silipin ang Napakagandang Tiny Triangle House na ito sa Bulacan na Umabot sa 1 Milyon ang Nagastos Kasama na ang Lote na Kinakatayuan nito

Ang pagkakaroon ng tiny house na may napakagandang view ng kapaligiran ay pangarap na ng karamihan ngayon, lalo na at ibat-ibang kwento ang naibabahagi sa mga sikat na online platform kagaya ng youtube, facebook at instagram.

Kagaya nalang ng Tiny Triangle House na ito na matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan na pagmamayari ni Erlinda Pondevida. Ang kanyang bahay ay naifeature sa Only Good Content (OG), kung saan itinour niya sa kanyang maliit pero napakagandang bahay nila na tinawag niyang Casa Pondevida.

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ni Nanay Erlinda na ang lote na ito ay regalo sakanilang mag-asawa ng kanilang dalawang anak.

Photo credits: OG | Youtube

Sobrang nainlove si nanay Erlinda sa lugar na ito dahil sa payak ang pamumuhay at napakaganda ng kapaligiran, kaya naman walang pagaatubili na binili nila ang lupain na ito na galing sa naitagong pera ng kanilang mga anak para sakanila.

Pagbabahagi pa ni nanay erlinda na, every wedding anniversary kasi nila ng kanyang asawa ay ipinapasyal sila ng kanilang mga anak sa ibat-ibang lugar sa ibat-ibang bansa, kaya naman noong nagkaroon ng pandemic, naipon ang travel funds ng kanilang mga anak para sakanilang mag-asawa kaya nagdesisyon nalang ang mga ito na ipatayo ng tiny triangle house sa kanilang nabiling lupa.

Photo credits: OG | Youtube

Ayon kay nanay erlinda nahilig siya sa panonood ng mga tiny house sa youtube at sobra siyang natutuwa at naiinspire dito, kaya naman sabi niya sa sarili niya na kung may pera lang sana sya gusto nya din ng tiny house. pero komportable sila ng kanyang pamilya na manirahan dito.

Ipinasilip naman ni nanay erlinda ang loob ng kanilang napakagandang tiny triangle house. Pagpasok palang sa loob makikita na ang malinis at maaliwalas na sala na kahit maliit lang ang kanilang bahay ay na maximize ang mga espasyo. Makikita din ang mga halaman sa loob na nagbibigay buhay at kulay dito. Pagbabahagi ni nanay na ang mga materyales na kanilang ginamit dito ay online transaction lahat.

Ang hagdanan naman nila nanay erlinda na inilagay ay galing sa lumang bilyaran na igagatong na sana, pero dahil nakita nila na pwede pa itong magamit binili niya ito sa halagang P300. Pagbabahagi pa ni nanay erlinda na dahil nasa bundok ang kanilang ipinatayong bahay, gusto nila na magitsurang kahoy ang kanilang tiny triangle house kahit na ang labas nito ay bakal upang iwas anay.

Ang main door naman ni nanay erlinda ay nabili naman niya sa halagang P1,500 na nangaling din sa isang lumang bahay na giniba na.

Photo credits: OG | Youtube

Sa kanilang sala naman makikita ang isang maliit na coffee table na ayon kay nanay erlinda ay galing sa puno ng kanilang kapit bahay sa caloocan na kanyang pinagawa at pinabarnesan.

Photo credits: OG | Youtube

Makikita din ang kanilang maliit na sala na may mga sofa at center table, ayon kay nanay erlinda ang kanilang sofa na ito ay pinaglumaan pa nila sa kanilang dating bahay na dinala lang dito at nilinis para magmukang bago.

Photo credits: OG | Youtube

Ipinakita din ni nanay erlinda ang kanilang mini bar na may napakagandang drop lights, ayon kay nanay dito naman sila minsan nag bobonding ng kanyang asawa, nag wiwine wine paminsan minsan habang nagkwekwentohan.

Makikita din ang kanilang mini kusina kadikit ng kanilang mini bar.

Photo credits: OG | Youtube

Magugulat ka naman pagpasok sa kanilang banyo, dahil hindi mo aakalain na sobrang luwag dito at higit sa lahat may nakalagay din silang bathub dito dahil ayon kay nanay erlinda bata palang ang kanyang mga anak ay sobrang naamaze ang mga ito pag nakakakita ng bathub kaya naman napagdesisyonan nila nanay erlinda na magpalagay sa kanilang banyo.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Pagakyat naman sa taas makikita ang studio type na tulugan kung saan kasya si nanay erlinda at ang kanyang pamilya dito. Makikita din ang maliit na terrace na may napakagandang view ng labas at sariwang hangin.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Sa labas naman naglagay si nanay erlinda ng pugadpugad dahil ayon dito, naging uso sa kanilang lugar ang pugad pugad kaya naman naenganyo ito magpalagay.

Photo credits: OG | Youtube

Makikita din ang isang duyan kung saan dito sila nag rerelax kapag nasa labas.

Photo credits: OG | Youtube

Ayon kay nanay erlinda may total na sukat ang kanilang nabiling lupa na 2,000 sqm kung saan nagiisip ang kanilang mga anak na lagyan ito ng zipline pababa in the future at ang kanilang pinaka ultimate dream na plinaplano ay ang magpalagay ng swimming pool sa huli.

Isa naman sa pinaka paboritong spot ni nanay erlinda ay ang kanilang view deck kung saan dito masarap magkape at magpahinga, dahil sa napakagandang overlooking view nawawala ang kanilang pagod at talagang narerelax sila ng husto.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Estimate ni nanay erlinda, aabot na ng isang milyon ang kanilang gastos kasama na ang kanilang nabiling lupa. Talagang mapapa wow ka sa achievement na ito nila nanay erlinda.

This Tiny Triangle House in Bulacan Is Worth 1M Including Lot | Unique Homes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *