Silipin ang Napakagandang Tiny Container House na ito sa Gilid ng Ilog na Matatagpuan sa Laguna na Ginawa lang ng Tatlong Buwan at Gumastos lang ng P600,000

Patok na patok talaga ngayon sa social media ang mga tiny house, lalo na kung ito ay gawa sa shipping container. Madami dami narin tayong naifeature na tiny container house story at halos lahat ng kwento nila ay kahanga hanga.

Katulad nalang ng napakagandang Tiny house na ito na gawa sa shipping container na matatagpuan sa Lumban, Laguna kung saan naifeature sa youtube channel ng Real Living Philippines.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Pagbabahagi ng mayari na si Christian Elbo, na ang kaniyang container house ay may sukat na 18 square meters habang ang lote naman na kinatatayuan ng kaniyang bahay ay may kabuoang sukat na 150 square meters.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Samantala nasa labas naman ang kusina at comfort room ng kaniyang tiny house kung saan separate ito sa container house na may kabuoang sukat kasama ang container house na 34 square meters.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Kwento pa ni Christian na ang loteng ito ay binili ng kaniyang mga magulang at napagdesisyonan nila itong patayuan ng tiny house noong nagkaroon ng river control sa kanilang lugar kung saan tabi lang ng ilog ang kanilang lote.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Ang unang plano nila ay magpatayo lang ng maliit na kubo para maging bakasyonan nila ng kaniyang pamilya at para may hang out place sila ng kanilang mga malalapit na kaibigan.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Pero dahil may small team of construction workers ang kaniyang kapatid, ikinonsulta niya ang plano niya dito kung saan napagplanohan naman nilang magpatayo nalang ng maliit na bahay dito na gawa sa shipping container.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Inabot ng halos tatlong buwan lang ang kanilang pagpapatayo, at dahil mahilig manood si Christian ng mga tiny house sa youtube ay hinikayat niya ang kaniyang kapatid na subukan na gumawa ng container house.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Napakaganda naman ng ambiance ng kanilang tiny house lalo na at katabi lang ito ng ilog at nakaharap sila sa silangan kung saan kitang kita ang bundok ng sierra madre.

Pagbabahagi ni Christian na gumastos siya ng mahigit kumulang P600,000 sa pagpapatayo ng kanilang tiny house na gawa sa container.

Photo credits: realliving philippines | Youtube

Nagbigay naman ng advice ang magkapatid na kung mayroon kanang mga anak at lumalaking pamilya ay hindi advisable ang ganito kalaking bahay dahil sa masikip nga masyado, pero kung tight ang budget niyo at gustong gusto niyo magkaroon ng sariling bahay ay maganda naman ito maging stepping stone para sa nagsisimulang pamilya.

Dapat din na magaling daw ang inyong carpentero, para mamaximized ng husto ang mga spaces at walang masayang.

Sobrang saya naman sila sa kanilang naachieved dahil dito madalas nila itong inuuwian dahil sobra silang narerelax pag andito sila at nawawala ang kanilang mga stress.

Kaya sa mga nangangarap jan at may kakayahan naman magpatayo ng ganito, go lang ng go, siguradong worth it at may mauuwian kayo ng inyong pamilya lalo na pag gusto ninyo magbakasyon at tumakas ng panandalian sa maingay na tunog ng siyudad.

Homeowner Builds Tiny House in Laguna in Three Months

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *