Silipin ang Napakagandang Container House na Ito na may Napakagandang View ng Mt. Makiling

Para sa ilang indibidwal na nais magkaroon ng sariling tahanan, kadalasan ay pinipili nila ang mga lokasyon kung saan sila magiging komportable. Kung minsan pa ay pinipili ng iba na magpatayo ng mas malaking tahanan. Ngunit para kay Mike Rivera, bagamat malayo at mahirap marating ay pinili niya pa rin ang kasalukuyan niyang tirahan dahil sa ganda ng view mula rito.

Kasalukuyan nga na naninirahan si Mike sa paanan ng Mt. Makiling sa Calamba.

Photo credits: OG | Youtube

Malayong-malayo ito sa dati nilang buhay at tirahan sa Makati ngunit nagdesisyon siyang ibenta ang kaniyang dating property kapalit ng mas tahimik na pamumuhay sa Calamba. Para naman sa pagpapatayo ng kaniyang magiging tirahan, taong 2014 nang magka-interes siya sa container houses dahil na rin sa kaniyang kagustuhan na magkaroon ng simple at maliit na tahanan.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Mula noon ay sinimulan na niya ang pag-aaral kung paano ipapatayo ang kaniyang sariling container house. Nagsimula na rin siya ng sarili niyang disenyo gamit ang iba’t ibang ideya mula sa ibang container houses.

Sa pagpaplano rin na ito isinaalang-alang ni Mike ang lokasyon ng kaniyang magiging bahay. Swak na swak naman ang kaniyang paggamit ng container vans at ang iba pang mga materyales base na rin sa klima ng kanilang lugar.

Photo credits: OG | Youtube

Nang matapos nga ang container home ni Mike ay mayroon itong sukat na 70 sqm. Gawa ito mula sa isang container na may sukat na 40 ft. at dalawang containers na may sukat na 20 ft. Kumpleto ito ng mga silid gaya ng living area at kitchen.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Bukod sa komportableng container van house, mayroon pang ilang bahagi ng property kung saan maaaring makapag-relax ang pamilya. Isa na rito ang deck sa ikatlong palapag ng bahay. Dito, makikita ang full view ng Mt. Makiling at ang mga kalapit na tanawin.

Photo credits: OG | Youtube

Naglagay din si Mike ng maliit na relaxing place kung saan dito nakalagay ang kanyang solar panels na 4in1 at rain catcher, nasa ilalim din nito ang kanyang water cistern.

Photo credits: OG | Youtube

Kwento rin ni Mike, bagamat hindi nagkakalayo ang halagang gagastusin sa pagpapagawa ng ordinaryong bahay at ng isang container van house, mas mabilis naman ang konstruksiyon ng mga container houses gaya nito.

Photo credits: OG | Youtube

Nagbigay din siya ng payo para sa mga gustong magkaroon ng sariling property. Ayon sa kaniya, mahalaga ang maayos na pagpaplano lalo na sa pagpapatayo ng parehong property.

Incredible Container House with an Amazing 360° View of Mt. Makiling | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *