Sa Halagang Php300 na Puhunan Bumilib sa Isang 18 -Taong Gulang na Binata na Nagawang Makapagbukas ng Sarili Niyang Shoe Restoration Business

Ang mga kabataan ngayon ay hindi lamang tutok sa social media tulad ng Tiktok at Instagram kundi ang iba sa kanila ay gumagawa na din ng sariling pangalan sa larangan ng pagnenegosyo.
Isa na dito si Allen Hale Jaguimit, isang 18 taong gulang na ipinamalas ang angking
galing pagnenegosyo sa pagbukas ng kanyang sariling negosyong shoe restoration.
Ang nakakabilib pa dito, nagsimula lamang siya sa kapital na 300 pesos.

Photo credits: Allen Hale Jaguimit via Smart Parenting

Nagawa niyang magsimula at ibalik ang higit kumulang na 70 na pares ng sapatos. Ang kaniyang negosyong ito ay naging patok na buy-and-sell noong 2019. Ang buy ang-sell ay ang pagbili ng isang gamit at ipapanunumbalik at papagandahin ito bago ibenta muli.

Photo credits: Allen Hale Jaguimit via Smart Parenting

Siya ay pinalaki ng isang single mom na si Michelle Jaguimit. Nagsimula si Allen sa hilig niya sa mga leather shoes at sa pagiging fan ni Michael Jackson. Naging pangarap niya ang masuot ang parehas na sa sapatos na sinuot ng kanyang idolong si Michael Jackson sa “Thriller” ngunit wala ito sa budget nila.

Photo credits: Allen Hale Jaguimit via Smart Parenting

Ibinahagi niya din na pumupunta siyang ukay-ukay para mahanap ang kanyang pinapangarap na sapatos.
Para mabili niya ang loafers na nagkakahalagang Php 1,500, tumutulong siya sa kanyang ina kung may oras siya at hindi siya abala sa iba niyang gawain.

Photo credits: Allen Hale Jaguimit via Smart Parenting

Ang mga opurtanidad na nakamit ni Allen ay kalakip ng mga hirap na naranasan niya ng magsimula siyang ayusin ang kanyang sariling sapatos upang ibenta ito muli.
Sadyang mahal at hilig na niya ang mga sapatos, natutunan na niya itong alagaan at kahit papaano na din ay natutunan na din niya ang shoe restoration.

Photo credits: Allen Hale Jaguimit via Smart Parenting

Dahil na din sa hilig niyang ito, naging susi na ito para hindi lamang mabili ang kanyang minimithing sapatos kundi, makatulong na din sa kanyang ina at mapangalagaan na din ang ang shoe restoration sa ating bansa.
Tunay ngang sa panahon ngayon ay wala ng pinipiling edad ang pagiging matagumpay sa negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *