“Retirement Home to Family Business” Isang Pamilya Nagpagawa ng Resort na may Tatlong Tiny House at Dalawang Bus para sa Accomodation at Swimming Pool

Naghahanap ba kayo ng bakasyonan na may relaxing nature vibes? Silipin ang nature friendly na resort na ito sa sa alfonso cavite na may tatlong tiny house units at isang bus para sa mga gustong mag staycation at mag unwind habang eneenjoy ang sariwang hanging ng kapaligiran.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Ang resort na ito ay pagmamayari ni Girlie Villegas at tinawag niya ang kanyang resort na Madeline’s Ville na may lawak na 3,333 sqm na napapalibutan ng mga puno kaya naman sobrang aliwalas dito at malilim kahit mataas ang sikat ng araw.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbabahagi ni Girlie sa kanyang naging eksklusibong interview sa Only Good Content Youtube Chanel (OG) na naaquired nila ang loteng ito noong 2015 pa at ang unang plano talaga nila dito ay patayuan ng kanilang magiging retirement home ng kanyang asawa. Mas gusto umano nilang mag-asawa ang buhay probinsya, yung pagising nila sa umaga ay magpapatuka ng mga manok, magtatanim ng mga prutas at gulay para ang kakainin nila lagi ay fresh lang at organic. Ngunit bigla nalang nabago ang kanilang plano at naging family rental business nalang ito.

Ayon kay Girlie kada tiny house ay may kabuoang sukat na 15 sqm at ang mga ito ay loft type na may double size bed sa taas at 1 single sofa bed naman sa baba. Bawat tiny house nila ay pwedeng maka accomadate ng hanggang apat na katao. Lahat naman ng unit nila ay kumpleto ng mga kagamitan katulad ng kusina na pwedeng pwede makapagluto ang kanilang mga guest, may maliit din na refrigerator, naka airconditioned din. Napaka luwag din ng banyo ng bawat unit nila na may 1 meter na sukat at higit sa lahat ay malinis na malinis.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

May telebisyon din sila at lahat ng ito ay smart tv na pwedeng iconnect sa kanilang wifi.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbabahagi din ni Girlie na prinopromote din nila ang sustainability kaya karamihan ng kahoy na ginamit nila sa kanilang mga tiny house ay puno sa kanilang lote.

Isa naman sa mga ipinagmamalaki ng kanilang resort ay ang kanilang bus na kinonvert nila sa room, kung saan tinawag nila itong bus 1 na nagooffer ng staycation. Ayon kay Girlie, binili nila ang bus na ito sa halagang P70,000 pero wala ng itong makina.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagpasok sa loob ng bus makikita pa din ang comfortable space para sa kanilang guest, kaya din umano maka accomodate ng hanggang 4 na katao ang kanilang bus at kumpleto din ito sa kagamitan kagaya ng kanilang mga tiny house.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

May isa din silang bus na ipinapagawa pa at ayon kay Girlie ay minamadali nadin nila itong matapos. May swimming pool din na ipinagawa sila Girlie na may kabuoang sukat na 24 sqm kung saan may nakalaan na area o kiddie pool para sa mga bata na may lalim na 3 feet, habang ang adult pool naman nila ay may lalim na 3 hanggang 5 feet.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Pagbabahagi ni Girlie na na aabot sa P300,000 ang nagastos nila kada unit na naipagawa nila pero hindi pa dito kasama ang interior dahil proud siya na ibinahagi na pamilya niya lang ang nag disenyo at gumawa ng mga interior ng kanilang tiny house at bus.

Makikita din ang isang bonfire area kung saan pwede dito mag family gathering ang kanilang mga guest.

Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube

Sa mga interesado magstaycation sakanilang resort pwede kayo mag padala ng mensahe through facebook page nila na Madeline’s Ville Tiny Homes Enclave at sa instagram naman nila na @madelinesville.

3 Earth-friendly Tiny Houses, 1 Bus, Outdoorsy Vibe & More | Amazing Staycations

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *