Mula sa 3 Kilong Pusit, Ngayon 100 Kilong Pusit na ang Nauubos ng Mag-asawang ito sa Pagbebenta ng Calamares, Kumikita ng P20,000 sa Isang Araw

Viral ngayon sa social media ang isang tindahan kung saan blockbuster ito at talagang pinipilahan.

Sa isang video ifeneature ng programa ng GMA Public Affairs na Pera Paraan sa Youtube ang isang tindahan na talaga namang pinipilahan, Ito pala ay isang Calamaresan sa Sta. Ana Manila kung saan pagmamayari ito ni tatay Pablo at nanay Rowena Geroy.

Photo credits: GMA PUBLIC AFFAIRS | Pera Paraan | Youtube

Photo credits: GMA PUBLIC AFFAIRS | Pera Paraan | Youtube

Dahil sa sobrang sarap kahit mahaba ang pila ay talaga namang pinipilahan ang Calamares ni Tatay Pablo at nanay rowenta. Kwento ng mag-asawa gamit ang isang libong pisong puhunan noon ay sinimulan nilang itayo ang kanilang Calamares business taong 2003.

Photo credits: GMA PUBLIC AFFAIRS | Pera Paraan | Youtube

Nagsimula lang magbenta ang mag-asawa sa bangketa gamit ang isang maliit na karito, kwento ni nanay rowena na hindi naging madali ang kanilang pagsisimula dahil sa bangketa, klima ang kanilang kalaban lalo na kapag umuulan o di kaya naman sobrang init.

Nagsimula lang sila na magbenta ng tatlong kilong pusit kung saan matiyaga nila itong ibenebenta. Pero ngayon dahil sa kanilang sipag at tiyaga at hindi isinuko ang kanilang negosyo, ang dating tatlong kilo na pusit, ngayon ay nasa isang daang kilo na at nakakabenta sila ng mahigit kumulang P20,000 sa isang araw.

Photo credits: GMA PUBLIC AFFAIRS | Pera Paraan | Youtube

Hindi na din sila nagtitinda sa bangketa at sa kariton dahil may inuupahan na silang pwesto. Tulong tulong naman sila magpamilya, katuwang niya sa negosyo ang kaniyang asawa at tatlong anak at may ilang kapitbahay na kanilang sinasahoran.

Ibinahagi naman ni nanay Rowena na sobra siyang natutuwa dahil kahit pagod basta nakikita niya na madaming bumibili at nagugustuhan ang kanilang lutong Calamares ay nawawala na ang kaniyang pagod. Pagbabahagi naman ni nanay Rowena na arawan sila kung bumili ng pusit at hindi sila nagsasara hanggat hindi nauubos ang kanilang paninda.

Lagi naman soldout ang kanilang paninda na talagang pinipilahan at binabalik balikan ng kanilang mga suking costumer.

Photo credits: GMA PUBLIC AFFAIRS | Pera Paraan | Youtube

Isa sila tatay pablo at nanay rowena sa mga inspirasyon sa social media na kapag may tiyaga at sipag siguradong ang negosyong itinaguyod ay siguradong bubunga at magbibigay ng ginhawa sa pamilya.

Photo credits: GMA PUBLIC AFFAIRS | Pera Paraan | Youtube

Paano nga ba niluluto ni nanay rowena at tatay pablo ang kanilang mga calamares? Narito at panoorin ninyo:

Blockbuster calamares ng Sta. Ana, bakit nga ba pinipilahan? | Pera paraan

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *