Modern Bahay Kubo sa Cavite, Hinangaan ng mga Netizens, May Pa Jacuzzi Din

Kinagigiliwan ngayon ng ilang netizens ang kakaibang bahay kubo na ito nina Susan “Toots” Ople at Fort Jose. Kaiba sa mga nakasanayan nating itsura ng bahay kubo, ang kubo na ito na may sukat na 7.5×4.5 meters ay maituturing na isang modernong bersyon.

Photo credits| Unique Home | YT

Sa halip na nipa ang naging bubong ng kubo, ginawa na itong yero samantalang gawa naman sa amakan ang kisame nito. Gawa rin sa kawayan ang iba pang parte ng kubo gaya ng batalan kitchen.

Gawa rin sa parehong materyales ang bedroom na mayroong queen-sized bed, double bed, at airconditioner. Konkreto naman ang palikuran ng bahay na mistulang palikuran ng isang hotel o resort dahil sa moderno nitong disenyo.

Photo credits| Unique Home | YT

Maliban pa rito, konkreto rin ang guest room na may sariling palikuran. Ngunit ang isa sa pinakakakaibang parte ng kubo ay ang jacuzzi kung saan maaaring makapag-relax ang buong pamilya o ang kanilang mga bisita.

Matapos naman ang pagrerelax sa jacuzzi ay maaaring magpahinga ang pamilya sa simpleng garden o kaya naman ay sa balcony ng kubo. Dahil sa malaki-laking sukat ng property na 750 sqm., plano ng pamilya na magpagawa ng isang swimming pool dito.

Photo credits| Unique Home | YT

Bagamat maituturing itong isang modernized bahay kubo, mas makakatipid ang pagpapagawa nito kumpara sa ibang mga tahanan ngayon. Ayon sa mga may-ari ng kubo, umabot lamang sa ₱400,000 ang halagang nagastos nila sa pagpapagawa nito.

Kasama na rito ang lahat ng muwebles at appliances. Dagdag pa dito, hindi rin ito malayo sa mga ordinaryong bahay kubo. Bagamat simple ay siguradong komportable ang pamamalagi rito ng mga tao.

Photo credits| Unique Home | YT

Kwento naman ng mga may-ari ng modern bahay kubo, isa sa mga naging hamon nila sa pagpapagawa ng kubo ay ang konkretong palikuran. Umabot din umano sa tatlong buwan ang konstruksiyon nito dahil sa pandemiya.Gayunpaman, pinayuhan pa rin ng mga may-ari ang ibang nais magkaroon ng sariling tahanan na magpatayo ng bahay kubo.

Photo credits| Unique Home | YT

Tuwang-tuwa rin naman ang mga netizens sa modern bahay kubo. Komento nga ng isang netizen, mukhang “stress free” ang dating ng bahay dahil sa jacuzzi at maliit na vegetable garden. Para naman sa ilan pang netizens, naging inspirasyon nila ito upang magkaroon din ng sariling kubo sa hinaharap.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *