Matapos Mawalan ng Trabaho Dahil sa Pangaabuso, Dating Seaman Nagmamay-ari na ngayon ng Ubasan na may Restaurant

Hindi biro ang pagtratrabaho bilang seaman, madami sa ating mga kababayan na seafarer ang dumadanas ng hirap sa trabaho at minsan ang iba pa ay naabuso. Katulad nalang ni Lucky Jay Saturnina, 23 taon gulang na taga Southern Leyte na dumanas ng pangaabuso sa kanyang katrabaho sa barko.

Photo credits: google.com

Nagkaroon siya ng problema sa kanyang pangalawang sakay ng magkaroon siya ng psychological abuse sa kanyang chief mate. Dumanas siya ng matinding anxiety at nagkaroon nadin siya ng depression dahil sa sobrang stress na dala ng kanyang dinanas.

Photo credits: google.com

Hindi naging madali para kay Lucky Jay ang kanyang dinadanas kaya nag desisyon nalang ito na umuwi sakanila noong Disyembre 2018 upang magpagaling at makalimot sa kanyang mga masalimoot na karanasan sa kamay ng kanyang naging opisyal.

“After a month, I was still in the house and not feeling well until I prayed for healing. When I slept, I dreamed that I was eating grapes with lots of fruits that are sweet,” Pagbabahagi ni Lucy Jay.

Ayon kay Jay, noong unang sakay niya ng barko ay tatlong beses niya na napanaginipang ang paguubas, kaya naman ito ang unang pumasok sa isip nya na gawin noong umuwi siya ng pinas.

Dahil sakanyang naging panaginip, inisip ni Jay na senyales ito na pasokin niya ang pag gragrape farming.

Photo credits: google.com

Pagbabahagi ni Jay na madami sa ating mga pinoy ang hindi nakakaalam na ang ating bansa ay magandang pagtaniman ng ubas.

“I believe that most Filipinos do not know that the Philippines is a great place to grow grapes. I’m spreading awareness that grapes do grow well in a tropical country,”

Photo credits: google.com

Ang unang batch ng ubas na naani ni Jay ay ginawa niyang grape jam at una niya itong pinatikim sa kanyang pamilya kung saan nagustohan naman nila ito at pinursige si jay na ipagpatuloy ang kanyang magandang nasimulan.

Photo credits: google.com

Naging magaling din si Jay sa pagbebenta ng kanyang mga naproproduce na ubas, gumawa sya ng isang facebook page na pinangalanan niyang Lucky Spark Vineyard kung saan dito niya pinopost ang kanyang mga ibenebentang niyang produktong ubas.

Photo credits: google.com

Naging maganda ang takbo at kita ng grape farm ni jay kaya naman gumawa din ito ng vlog patungkol sa mga tips kung paano magsimula at magtanim ng ubas at ibinahagi sa mga may plano din na magtasimula ng kanilang sariling grape farm. Dahil sakanyang mga very informative tips at informations ngayon ay may higit 16,000 subscribers na si jay sa youtube kung saan unti unti nadin siyang kumikita dito at ang kanyang kinikita dito ay ibinibili niya ng high class grapes na mas resistant sa ulan.

Maliban sa kanyang ubasan, ay may restaurant na din si Lucky Jay sa kanyang grape farm kung saan kumikita na ng mahigit kumulang P20,000 kada linggo.

Photo credits: google.com

Isa si Lucky Jay sa mga kahanga hanga na kahit anong pagsubok ang pinagdaanan ay nanatiling matatag at naniwala na malalagpasan niya ang mga ito, kaya naman tularan at gawin nating inspirasyon si Lucky Jay.

Dapat Alam Mo!: OFW noon, vineyard owner na ngayon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *