Mag-asawa Nagpatayo ng Tiny Modern Bahay Kubo sa Halagang P150,000

Ang paninirahan sa modernong bahay kubo ay isa sa mga viral ngayon sa social media, marami na ang mga nagpatayo ng maliit na modernong bahay kubo at isa na dito ay ang mag-asawang sina Red Jun Sumingit at Darleth Mae Sumingit.

Sa naging eksklusibong interview nila sa youtube channel na Only Good Content (OG), ipinasilip nila ang kanilang tiny modern bahay kubo kung saan gumastos lamang sila dito ng mahigit kumulang P150,000.

Sa pagbabahagi ni Jun na ang lupang kinakatayuan ng kanilang bahay kubo ay pagmamayari ng kanyang lolo berto na pinayagan silang tayuan ng bahay ito at idevelop ang area, ang kabuoang sukat ng lupain ng kanyang lolo ay umaabot ng 6 hectares at ang 2 hectares dito ay ang kanilang pinapangalagaan at minimaintain.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Ayon sa mag-asawa, iba ang relaxation na nararamdaman nila sa lugar na ito dahil sa tahimik na kapaligiran, sariwang hangin, malayo sa ingay ng mga busy na kalsada at feeling nila ay lagi sila nagbabakasyon kapag andito sila.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Ipinasilip naman ng mag-asawa ang kanilang ipinagawang tiny bahay kubo na halos lahat ng kanilang ginamit na materyales ay kinuha lang nila mostly sa kanilang bakuran, katulad nalang ng ginamit nilang kahoy sa pader ng kanilang bahay kubo na Bagalnga tree or Neem tree, ang framing naman ng bahay at ang sahig ay gawa sa coconut tree, ang mga poste ay gawa sa mahogany.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Sa loob naman ang ginamit nilang interior wall ay gawa sa amakan, at ang kanilang bubung naman ay gawa sa nipa, ngunit sa banyo ay gumamit sila ng semento dahil sa madalas nababasa at makaiwas nadin sa agarang pagkasira dahil sa laging nababasa.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Sa patio ang madalas na tambayan ng mag-asawa kung saan may duyan dito upuan at mga unan. Ayon Darleth ang kanilang patio ay may sukat na 6×12 feet. Pagbabahagi din ni Darleth na malaki ang kanilang natipid dahil pati ang bintana nila na ginamit ay galing sa kanilang mga magulang.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Isa sa mga pinaka memorable event na hinding hindi makakalimutan ni Darleth ay ang naging prenup nila dito sa kanilang tiny bahay kubo kung saan napakaganda ng pagkakakuha sa kanilang mga litrato at ang kanilang bahay kubo ay mas nagdagdag ng ganda at buhay.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Dito din diumano ginanap ang naging reception ng kanilang naging civil wedding kung saan very memorable para sa kanilang mag-asawa.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Noong una wala talagang plano ang mag-asawa na tirhan ang bahay kubo nilang ito dahil hindi naman daw talaga ito naka disenyo para maging resedential at tanging ang balak lang nila ay maging bakasyonan nila kung gusto nila magrelax, kaya naman walang kusina ang kanilang ipinagawang bahay kubo, huli nalang nila narealize na kailangan pala nila ng kusina dito kaya naman nag desisyon ang mag-asawa na magpagawa ng separate na outdoor kitchen.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Kwento naman ni Darleth na ang disenyo ng kanilang bahay kubo at kusina ay kinuha lamang nila at ginaya sa pinterest. Pagpasok sa loob ng bahay kubo ng mag-asawa ay makikita na agad ang kanilang kama, kung saan dito nadin ang kanilang sala at working place, all in one area. Dahil nga parehas silang online nagtratrabaho mas ginusto nila na dito manirahan dahil sa nakakarelax na vibes at talagang nakakabawas ng stress sa trabaho.

Photo credits: Only Good Content (OG)

Photo credits: Only Good Content (OG)

Pagbabahagi naman ng mag-asawa na in the future at mayroon na silang mas malaking bahay, balak nilang ipa Airbnb ito at patayuan ng cafe kung saan ioopen nila sa publiko na gusto din maexperience ang kanilang naeexperience na relaxation kapag andito sila sa lugar na ito.

Farm Owners Spent 150K for This Modern Bahay Kubo | Tiny Home Living

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *