“Love has no limit, and knows no boundaries”, ganyan na lamang ang pag-iibigan ng isang engineer at ng isang tricycle driver. Ang kwento ng kanilang pag-iibigan ay naging usap-usapan sa social media kung saan nila ibinahagi ang kanilang kwento.
Ito ang love story nila Mary Rose at Jr. Si Mary Rose ay isang engineer at si Jr naman ay isang tricycle driver. Dahil sa isang propesyonal si Mary Rose, samantalang isang Tricycle Driver si Jr, madalas silang nakakatanggap ng mga negatibong komento sa kanilang relasyon Ngunit kahit magkaiba man ang estado ng kanilang pamumuhay hindi ito naging hadlang upang sila ay magkatuluyan, ipinakita nila na walang sino man ang makakahadlang sa kanilang pagmamahalan.
Pinost ni Mary Rose sa kaniyang facebook ang larawan nilang magkasintahan. Dahil sa kaniyang mga pinost na larawan ay marami ang naantig at kinilig sa kwento ng kanilang pag-iibigan.
Ayon sa post ni Mary Rose, marahil hindi ideal para sa iba ang kanilang love story dahil sa layo ng agwat ng kanilang propesyon ngunit ni minsan hindi ito naging dahilan upang sila ay hindi magkaintindihang magkasintahan.
“Maaring hindi ideal ang aming lovestory. Engineer ako, tricycle driver sya. Pero never naming pinag awayan yung mga propesyon namin.”
Dagdag pa ni Mary Rose, na hindi naman sa lahat ng bagay ay mag-aasahan na lamang dahil maari namang itong pagtulungan ng magkasama lalo na kung may binubuong pangarap ang bawat isa.
“Hindi lahat ng kailangan mo, iaasa mo sa magiging asawa mo. Pwede niyo pagtulungan kung anuman ang pangarap ng bawat isa sa inyo.”
Narito ang mga caption ni Mary Rose sa kanilang mga larawan na pinost niya sa kaniyang facebook account.
“Maaring hindi ideal ang aming lovestory.
“Engineer ako, tricycle driver sya.
“Pero never naming pinag awayan yung mga propesyon namin.
“Pwedeng tumaas ang kilay ng iba pag nalaman nila kung ano trabaho niya, pero who cares mamsh? Hahaha.
“Hindi lahat ng kailangan mo, iaasa mo sa magiging asawa mo.
“Pwede niyo pagtulungan kung anuman ang pangarap ng bawat isa sainyo.
“Pagkalipas ng labing apat na taon, ito na. Malapit na.
“Without the engineer’s hard hat and tricycle driver’s vest, pantay lang tayo.
Pagbabahagi din ni Mary Rose, na sa lahat ng pinagdaana niya na pagsubok sa buhay ay laging andyan si Jr. para sa kaniya na naniniwala sa kakayahan niyang malalapasan niya ang anumang hamon ng buhay.
“Mula noon hanggang ngayon, sa lahat ng pagbagsak at pag angat ko sa buhay, naniwala ka sa akin at sa kakayahan ko. Hindi ka sumuko. Hindi tayo sumuko. Alam lahat ng kaibigan ko kung gaano ako kaswerteng ikaw ang ka “me and my jowa ko”
Kaya ipinagmamalaki siya ni Mary Rose kahit isa lamang siyang tricycle driver dahil na rin sa pagiging matatag nila sa kanilang relasyon na umabot na ng apat na taon.
“Wala tayong dapat patunayan sa ibang tao. Gusto ko lang ipagmalaki kung gaano tayo napatatag ng labing apat na taon.
Ibinahagi rin ni Mary Rose kung gaano niya kamahal ang kaniyang kasintahan.
“Mahal kita lam.
Ang kanilang pag-iibigan ay walang tinitingnan na estado sa buhay basta’t ang mahalaga sa kanila ay mahal nila ang isa’t isa. Kaya ang kanilang love story ay naging inspirasyon sa maraming taong nagmamahalan.