Kilalanin ang 26 Taong Gulang na Negosyanteng Ito na Naging Matagumpay Dahil sa Kaniyang Tatlong Investments

Talagang kahanga-hanga ang kakaibang ideya at sigasig ng ilang mga negosyante ngayon. Nagiging isang magandang inspirasyon ang kanilang pagiging malikhain at masikap gaya na lamang ng 26 taong gulang na negosyanteng si MJ Loleng na nagmamay-ari ng Ecobriqs Coconut Charcoal Briquettes.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Kwento ni MJ, 22 taong gulang lamang siya nang simulan niya ang negosyong ito. Nagkaroon siya ng ideya na magtayo ng sariling negosyo nang magsara ang kaniyang pinagtatrabahuang establisyimento. Nais rin niyang magkaroon ng negosyo na makabubuti sa kalikasan at makatutulong sa mga kapus-palad na magsasaka. Dahil dito, itinayo na niya ang kasalukuyan niyang negosyo.

Idinetalye naman ni MJ ang naging proseso ng paggawa ng mga briquettes — mula sa paghahanap ng mga magsasakang mapagbibilhan nila ng materyales, hanggang sa mismong pagbuo nito. Bukod sa pagiging eco-friendly ng mga produkto ni MJ, mas naging matagumpay rin siya dahil sa napakaraming restaurants na bumibili ng kaniyang briquettes.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Pagdating naman sa naging puhunan para sa Ecobriqs, wala umanong inilabas na pera ang negosyante. Ayon sa kaniya, ang kaniyang naging puhunan ay mula sa iba’t ibang indibidwal na naniwala sa kaniyang kakayahan.

Bagamat sa simula ay naging matagumpay ang negosyong ito ni MJ, humarap din sila sa ilang pagsubok. Isa na rito ang hamon ng pandemya. Ayon sa kaniya, kalahating taon ring tumigil ang operasyon ng kanilang negosyo.

Ngunit dahil rin naman sa pagsubok na ito ay nagkaroon si MJ ng ideya na magbukas ng “samgyup on-the-go” na negosyo. Mula sa ₱5,000 na kapital at pagtutulungan ng kaniyang mga business partners, ngayon ay patuloy na lumalaki ang restaurant na ito.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Plano rin nilang magtayo pa ng ilang branches sa hinaharap. Talagang nakakabilib ang pagiging business-minded ni MJ dahil bukod sa mga nasabing negosyo, pumasok rin siya sa stock market. Mula sa ₱10,000 na investment rito, ngayon ay kumikita na si MJ ng hanggang ₱100,000.

Photo credits: OG | Youtube

Ibinahagi naman niya ang sekreto sa kaniyang mga matagumpay na negosyo. Ayon kay MJ, mahalagang maging hands-on ang isang tao sa mga importanteng aspeto ng isang negosyo. Importante rin ang patuloy na pag-aaral kung paano pamamahalaan ang isang negosyo gayundin ang pagtitiwala sa sariling kakayahan at ang malakas na kagustuhang umahon sa hirap.

How This 26-Yr-Old Earns 6 Figures a Month From Different Investments | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *