Isang Pamilya sa Misamis Occidental, Nagpagawa ng Container House, Gumastos ng Mahigit Kumulang P800,000 to P900,000

Dumadami na ang nagpapagawa ngayon ng bahay na gawa sa reused container at ilan sa mga ito ay naifeature sa mga sikat na youtube channel, katulad nalang ng mag-inang si Florida Madula at anak nitong si Keziah Madula na taga Oroquieta, Misamis Occidental, kung saan ibinahagi nila ang kwento ng kanilang Container House sa sikat na youtube channel na Only Good Content (OG).

Photo credits: OG | Youtube

Kwento ni Florida na nakatira lang sila dati sa isang malaking bahay kung saan kahait nila dito ang kanilang mga relatives. Nagdesisyon silang magpatayo ng maliit na bahay noong nagsimula ng hatiin ang bahay sa mga kapatid ng kaniyang asawa.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Dahil nasa retirement age na din sila napagusapan ng mag-asawa na bakit hindi nalang sila magpagawa ng isang maliit na container house lalo na’t nasa retirement age nadin sila at trending naman ngayon ang pagpapagawa ng container house dahil sa low maintenance, mabilis gawin at hindi masyadong magastos.

Ang kanilang bahay ay gawa sa tatlong 20 footer shipping containers, kung saan pinagdugtong dugtong nila ito hanggang mabuo ang kanilang dream container house na may kabuoang sukat na 55 square meters.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ni Florida na mahigit kumulang P800,000 to P900,000 ang kabuang nagastos nila dito, hindi pa kasama ang mga kagamitan sa loob katulad ng mga furnitures, appliances at iba pang gamit. Doon sa nabangit niyang halaga kasama na daw doon ang shipping fee ng tatlong shipping containers na galing pa diumano sa Manila.

Payo naman ng anak ni Florida na si Keziah na kung plano niyo din na magpatayo ng container house ay ipwesto ninyo ito sa madaming puno para mas maganda, maaliwalas at presko lalo sa gabi. Ayon pa kay Keziah na sa gabi madalas hindi na sila nag aaircon at binubuksan nalang ang bintana dahil presko at sariwa ang hangin.

Photo credits: OG | Youtube

Malalaki din ang kanilang mga bintana para naman mas maganda ang flow at ventilation ng hangin. Dagdag pa ng mag-ina na naka double walling ang kanilang bahay, pagkatapos ng container walling ay naglagay sila ng insulation foam at pagkatapos naman ay plyboard wood na nagsisilbing wall ng interior.

Photo credits: OG | Youtube

Makikita sa loob ng kanilang bahay na namaximize ang mga spaces, napaganda din ng mga ilaw na nagbibigay buhay at liwanag sa loob ng bahay.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Talagang naeenjoy ng kanilang pamilya ang kanilang naipagawang tiny house kung saan masaya silang nakakapagbonding at nakakabuo ng memories dito.

Photo credits: OG | Youtube

Hindi man ganoon kalaki ang kanilang bahay ang mahalaga ay napaganda nila ito ng husto at higit sa lahat may matatawag silang sarili nilang bahay na kanilang pinaghirapang ipatayo.

This Family Built A Container House For ₱800K | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *