Ang swerte ay minsan lamang dumating sa buhay ng tao. Ngunit nasa tao pa rin kung paano niya ito panghahawakan. Minsan ang kathang-isip lamang ng tao ay nagiging totoo lalo pa’t kaya itong patunayan ng siyensiya.
Kagaya nalang ng kwento ng isang lalaki na naging instant milyonaryo matapos mahulog sa kanyang bubungan ang isang bato na nagkakahalaga pala ng limpaklimpak na salapi.
Ang nasabing lalaki ay nakatira sa isang lugar sa Indonesia, siya si Josua Hutagalung. Siya ay isang karpintero na gumagawa ng mga kabaong.
Photo credits: google.com
Ayon sa kaniya sa kalagitnaan di-umano ng kaniyang pagtatrabaho ay may narinig itong isang malakas na tunog na nakakatakot pakinggan. Tiningnan niya ang bubong ng kaniyang bahay at nakita niyang ito ay may malaking butas at ng tingnan niya kung ano ang bumagsak mula sa itaas nakita niya ang isang meteorite sa kanilang veranda.
Photo credits: google.com
Kaya agad itong hinukay ni Josua, ayon sa kaniya ang meteorite na bumagsak sa kanilang bahay ay may bigat na 2.1 kilograms at ito ay bumagsak sa lalim na 15 cm.
Dagdag pa niya ang meteorite ay mainit pa ang temperatura at may kaunting basag sa paligid nito.
Walang alam si Josua kung ano ba talaga ang batong ito at kung saan ito nangaling kaya naman pinasuri niya ito at nagulat siya na milyones pala ang halaga ng kakaibang meteorite rock na napunta sa kaniya.
Ayon sa pagsusuri ang batong ito ay may halagang $1.85 Million per $857 grams. Ang batong ito ay itinuturing na bihirang bato na may 4.5 billion years old na klasepiko ng carbonaceous chondrite, kung saan ang batong ito ay bibihira lamang pumasok sa mundo.
Photo credits: google.com
Hindi inakala ni Josua na itong pangyayari sa kaniyang buhay ang magpapabago sa kaniyang estado. Naging instant milyonaryo siya dahil sa nasabing meteorite.
Kakaibang swerte ang talagang dumating sa buhay ni Josua dahil ito na ang mag-aahon sa kanila sa kahirapang kanilang nararanasan. Mula sa kaniyang pagiging isang karpintero ay naging isa na siyang milyonaryo.
Photo credits: google.com
Sa kabilang banda, kung may swerteng dumating sa buhay nararapat pa ring pagsikapan na gamitin sa tama ang biyayang natatanggap upang magkaroon ito ng magandang maidudulot sa buhay.