Isang Igorot na Nagmula sa Tribung Alpai ng Sagada, Isang Proud na Piloto sa Elite Branch ng Philippine Army at Rehistradong Nars ng Philippine Airforce

Ang mga igorot ay isang grupo ng etniko na nagmula o naninirahan sa hilagang parte ng bansa na madalas makikita sa kabundukan ng cordillera.

Kapag narinig ang salitang igorot ang madalas na pumapasok sa utak ng tao ay ito ay isang tribu sa bundok kung saan madami dito ay hindi marunong magsulat o magbasa. Pero kilala ang mga igorot sa kanilang pagiging masipag, matatag at tapat sa kanilang pinagmulan.

Importante din sakanila ang kanilang lupain dahil dito sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay. Madalas man maliit ang tingin sakanila dahil karamihan sakanila ay hindi marunong sumulat o bumasa, isang igorota naman ang nagtayo ng kanilang karangalan na hindi dapat maliitin ang kanilang kakayahan lalo na kapag sila ay nabigyan ng oportunidad na makapag-aral.

Kinilala ang igorota na si P2Lt. Lei Vanette Alungui, nakapagtapos sa kolehiyo at isang rehsitradong nars.

Photo credits: google.com

Kahit isa ng rehistradong nars si Lei ay wala siyang pagaatubiling pumasok sa military training ng Philippine Air Force. Sa loob ng 15 buwan, sumabak sa matinding training si Lei kung saan isa na siya ngayong sertipikadong piloto ng Elite Branch ng Philippine Air Force.

Photo credits: google.com

Pinatunayan ni na kahit isa siyang babae ay kaya niyang makipagsabayan sa mga kalalakihan pagdating sa matinding training. Nalagpasan niya lahat ng pagsubok at proud din niya na itinaas ang bandera ng pagiging isang igorota matapos makapagtapos sa Airforce Academy of the Philippines sa San Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Ayon kay Lei naging motibasyon niya ang kaniyang mga katutubo at kaniyang pinangalingan upang abutin ang kaniyang mga pangarap. Ginawa niya lahat ng ito para hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para narin ipakita sa buong mundo na hindi dapat minamaliit ang mga katutubo kagaya ng mga igorot.

Photo credits: google.com

Naging inspirasyon si Lei sa social media kung saan umani siya ng positibong komento at mga paghanga.

Photo credits: google.com

Isa si Lei sa mga kahanga hanga na dapat tuluran na kahit saan ka pa man nangaling kahit sa pinakaliblib pa na lugar yan at kabundukan, hindi ito hadlang para maabot mo ang iyong mga pangarap, basta lagi mo lang talaga tatandaan na huwag mong kalimutan na lumingon sa iyong pinangalingan at maging motibasyon mo ang mga tumulong sayong umangat at sympre kay Lord na laging anjan na gumagabay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *