“Home is Where the Heart is” Miriam Quiambao at Pamilya, Iniwan ang Lungsod para Manirahan sa Isla ng Boracay

Mahigit dalawang taon na din ang nakalipas ng magsimula ang pandemic, at dahil dito madaming pamilya ang nakapansin na nagkakaroon na pala sila ng sobrang stress especially yung mga taong nakatira sa siyudad na sobrang daming tao.

Katulad nalang ng 1999 Miss Universe First Runner up na si Miriam Quiambao kung saan napansin niya na nakaka develop na siya ng sobrang stress pati na ang kaniyang pamilya dahil sa pandemic, napansin din ni Miriam at ng kaniyang asawa na ang kanilang mga anak ay nagiging mahiyain sa strangers pati narin sakanilang mga neighboors dahil sa hindi ito lumalabas ng bahay.

Photo credits: OG | Youtube

Kaya naman pagbabahagi ni Miriam na habang nagdadasal ang kaniyang asawa at humihinge ng guidance about family matters, biglang sumagi sa isip nito ang pag move out sa city at manirahan sa isang lugar kung saan maeenjoy ng kaniyang pamilya ang kapaligiran at ng mabawasan ang kanilang stress.

Unang pumasok sa isip ng mag-asawa ay ang beach kung saan nakita naman nila ang isang post patungkol sa long term rental sa Facebook Page na Boracay long term rental, dito nagkaidea ang mag-asawa na dito manirahan.

Wala umanong naging second thoughts ang mag-asawa at pinursige nila ang paglipat, paunti unti din silang nagresearch kung paano nga ba nila eexecute ang kanilang actual move sa boracay.

Photo credits: OG | Youtube

February 10 ngayong taon lumipad sakay ng eroplano ang kanilang buong pamilya para sa boracay na manirahan.

Ayon kay Miriam, isa ito sa kanilang pangarap ng kaniyang asawa na magretiro at manirahan sa lugar kung saan malapit sa dagat, at ito na nga natupad na ang kanilang matagal ng pinapangarap.

Photo credits: OG | Youtube

Enjoy na enjoy din ang kanilang mga anak lalo na ang mga little ones kung saan tuwang tuwa sila sa paninirahan nila by the beach maliban nalang sa panganay nilang anak na on the process pa ang pag-aadjust.

Isa naman sa paborito ni Miriam ay ang kanilang date ng asawa niya by the beach kung saan pinapanood nila ang sunset, isa din ay ang paglalakad nila tuwing umaga sa may dalampasigan kung saan nagbibigay sakanila ito ng mga positive thoughts and good vibes na para eenjoy lang ang buhay kasama ang kanilang mga anak.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi din ni Miriam na ibang iba siya sa manila kaysa sa boracay, dahil sa manila kapag nagrogrocery sya or pumupunta sa mall ay dapat nakabihis siya lalo na at celebrity siya, pero sa boracay pwede siyang lumabas ng bahay, mag grocery mag shopping ng nakapambahay lang at ito ang isa pa sa mga gustong gusto niya sa paninirahan sa boracay.

Photo credits: OG | Youtube

Ikinompare din ni Miriam ang buhay niya sa Manila kung saan sobrang stress dahil sa traffic, sa polution at talagang nakakaapekto ito sa kanilang mental health especially na hindi sila basta basta nakakalabas dati noong kasagsagan ng pandemya kung saan ibang iba daw talaga ang energy sa city.

Hindi katulad sa Boracay na parang puro positive energy lang, puro happy lang at walang stress.

Photo credits: OG | Youtube

Pagbabahagi ni Miriam na nag sign sila ng 16 months contract lease sa kanilang tinutuluyan sa boracay at planong eexplore pa ang boracay at maka kilala pa ng madaming kaibigan dito.

Photo credits: OG | Youtube

Ang tanging alam lang ng mag-asawa ay kaya dinala sila ng Panginoon dito ay dahil may purpose si God para sakanila, ibinahagi din ni Miriam na noong nasa manila sila ay puro trabaho lang at halos kunti lang ang oras sa pamilya pero noong andito na sila sa boracay ay mas madami na silang time sa pamilya, nadiskobre din ni Miriam na pwede pala siyang tumira sa isang lugar na kunti lang ang damit.

Payo naman ni Miriam para sa mga gusto din manirahan sa pangarap nilang lugar malayo sa magulong ingay ng lungsod ay kung kaya nyo, kaya ng bulsa nyo, kaya ng pamilya nyo ay go for it, dahil sobrang laki ng epekto nito sa pangangatawan, sa mental health at sa pamilya.

Miriam Quiambao & Family Move to Boracay: "Home Is Where the Heart Is" | OG

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *