Dahil sa pandemya, madami ang naapektohan katulad nalang ng mga mangagawa at ng mga negosyante. Madami din ang nag-sarang negosyo.
Katulad nalang ng dating Office girl na ito na ngayon ay fulltime farm girl na. Si Tess Villanueva ay dating nagtratrabaho bilang executive sa manila pero ng dahil sa pandemya naapektohan ang kanilang kompanya dahilan upang magsara ito at mawalan ng trabaho si tess.
Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Tess, nakahanap siya ng paraan para bumangon at sa pamamagitan ito ng pagfafarming ng mga manok. Pagbabahagi ni tess dati ang nakasanayan niyang buhay sa syudad ay pakape kape lang, madaming nakakasalamuha na ibat-ibang tao, masaya din diumano ang kanyang buhay bilang isang office girl.
Photo credits: Agribusiness How it Works | Youtube
Pero mas nahanap niya ang totoong kasiyahan ng magsimula sya sa kanyang negosyo sa probinsya, di umano niya maexplain ang kaligayahan na kanyang nararamdaman sa pagaalaga ng mga manok.
Tinanong din siya ng isa sakanyang mga kaibigan na kung babalik ba daw sa normal ang sitwasyon at magkakaroon siya ng katulad na offer sakanya dati sa opisina, tatangapin niya ba daw ito? Kung saan sinagot ni tess na,
“By that time malaki na ang farm, di ko na kailangan yun, magiging succesfull to.”
Photo credits: Agribusiness How it Works | Youtube
Si Tess ay dating OFW sa loob ng 15 taon na nagsimula noong 1994 hanggang 2009, at ng iwan niya ang pagiging OFW, nagtrabaho naman siya sa manila sa loob ng 12 taon na nagsimula noong 2009 hanggang 2021 kung saan dito na siya inabutan ng pandemic at nawalan ng trabaho ng magsara ang kanilang kompanya.
Kwento ni Tess, nagsimula sila sa kanilang chicken farm sa 500 heads at enero ngayong taon nagdagdag ulit sila ng 300 heads pero ibang breed sa kanilang unang nabili. Nakakaharvest naman sila tess ng higit kumulang 400 na itlog sa isang araw.
Photo credits: Agribusiness How it Works | Youtube
Balak din diumano ni tess na magtanim na din ng mais para hindi niya na binibili ang mga ipinapakain niya sa mga ito at maka bawas din sa gastusin.
Kwento naman ni Tess na talagang nabago ang paraan ng kanyang pamumuhay sa probinsya dahil dati noong nagtratrabaho pa siya bilang empleyado sa isang kompanya sa manila ay araw-araw dapat naka Ootd siya at naka hills at naka makeup samantalang ng lumipat na siya sa probinsya para magnegosyo halos lima nalang ang kanyang damit na sinusuot, minsan lumalabas sya papuntang palengke para bumili ng pagkain ng manok ng wala pang ligo, pulbos lang okay na.
Photo credits: Agribusiness How it Works | Youtube
Aminado naman si Tess na noong nagtratrabaho pa sya sa opisina ay wala siyang naiipon, pero noong nagsimula na siyang magnegosyo, dito na sya natutung magipon, magbudget, marunong narin siyang paikutin ang pera sakanyang negosyo, hindi kagaya sa manila na puro labas lang ng labas ang kanyang pera sa mga bagay na hindi naman talaga niya kailangan.
Photo credits: Agribusiness How it Works | Youtube
Malaki man ang pinagkaiba ng pagtratrabaho sa opisina kaysa sa pag pagtratrabaho sa isang poultry farm dahil sa opisina ay paupo-upo lang habang sa poultry farm naman ay kailangan mong gumalaw na talaga namang nakakapagod, ay sobrang namang sulit ang pagod na nararamdaman ni tess dahil masarap sa kanyang pakiramdam ang napapagod habang nagtratrabaho sa farm. Hindi kagaya sa opisina na pagnapagod ka may kasama pa itong stress.
Panoorin ang naging eksklusibong interview ng Agribusiness How it Works youtube channel kay Tess dito,