Drop Out sa Kolehiyo, Ngayon Isa ng Matagumpay na Negosyante, Nagmamay-ari ng Isang Sikat at Malaking Lechonan

Ang pagiging isang matagumpay na Businessman o Entrepreneur ay hindi laman naka base sa talino ng isang tao, ito ay nakakamit base sa sipag, tiyaga, diskarte at pagmamahal sa kung ano man ang kanilang ginagawa.

Katulad nalang ng isang aspiring entrepreneur na si Kel Pascual ang nagmamayari ng sikat na negosyong Manilachon.

Photo credits: May Puhunan | ABS-CBN Entertainment

Bata palang ay nasa puso na ni Kel ang pagnenegosyo, sa edad na 9 taon gulang ay nagbebenta na siya ng mga bake goods sa kanilang klase.

Dahil naging hilig ni Kel ang pagluluto, kursong Cullinary Arts ang kaniyang kinuha ngunit hindi na kinaya ng kanilang pamilya ang mahal ng kaniyang tuition fee ng mawalan ng trabaho ang kaniyang ama, dahil dito napilitan magdrop out si Kel at mamasukan sa call center at financial advisor upang makatulong sa pamilya.

Pagbabahagi ni Kel sa naging interview sakanya ng May Puhunan ng Abs-cbn na,

“At first, nagself- pity ako. Naawa ako sa sarili ko. Naiinggit ako sa mga ka-batchmates ko kasi nakikita kong nagiinternship na sila. Ako naisip ko, anong sunod sa akin?”

Photo credits: May Puhunan | ABS-CBN Entertainment

Pero dahil hindi mawala sa puso ni Kel ang pagluluto at pagnenegosyo, sinubukan niyang magtinda ng mga lutong gulay at lechong belly sa mga bazaar, sa capital na P4,000 napalago niya ito ng hanggang P9,000.

Dito na nagtuloy tuloy si kel sa kaniyang lechon business kung saan pinangalanan niya itong Manilachon na nag ooffer ng crispy at sobrang sarap na lechon bellies.

Photo credits: May Puhunan | ABS-CBN Entertainment

Ang pagsisimula ni Kel ng kaniyang Lechon Belly Business

Dahil wala pa siyang sapat na puhunan upang bumili ng over kung saan kailangan niya para mas madaming maproduce na maraming crispy lechon belly, nagrent siya sa kaniyang pinsan na nagmamayari ng isang bakery kung maari niyang marentahan ang oven nito.

Photo credits: May Puhunan | ABS-CBN Entertainment

Naging motivation din ni Kel ang mga kasabihan na,

“The key to success is to look for one product and be good at it”

Kaya naman hindi tumigil si Kel sa pag improve ng kaniyang produkto, at sinikap niyang mag research at mas mapasarap pa ito.

Kaya naman noong nahit na ni Kel ang P30,000 na kita sa isang araw dito na mas lalong lumakas ang loob ni Kel na mas palakihin pa ang kaniyang negosyo. Kaya naman kahit walang diploma nagawa niyang maging isang matagumpay na negosyante at dahil ito sa kaniyang sipag, pagmamahal sa pagluto, hindi pagsuko sa mga pagsubok na dumating sakanya at higit sa lahat pananampalatay sa panginoon na gabayan siya sa lahat ng kaniyang mga ginagawa.

Isa si Kel sa mga dapat nating gawing inspirasyon upang hindi sumuko sa buhay at sa pangarap kahit anong pagsubok pa ang dumating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *