Dating Head ng IT, Kumikita na ngayon ng Triple ng kanyang Dating Sahod sa Pagbebenta ng Kape Gamit ang Kanyang Surplus Japanese Bike

Kilala ang kursong IT bilang isa sa may mga pinakamalaking sahod dito sa ating bansa, pero isang I.T. Head ang iniwan ang kanyang magandang trabaho at malaking sweldo para magtinda ng kape sa kalye kung saan pinangalanan niya itong City Boy Brew.

Gamit ang isang Surplus Japanese bike na may trailer nagbebenta si Mong sa ibat-ibang lugar, unang lokasyon na pinagbentahan ni mong ay sa marcos highway, pero hindi umano naayon sa kanyang plano ang mga nangyari noong nagsisimula palang siya doon dahil sa loob ng halos dalawang linggo halos wala syang nabebenta at tanging ang kita nya lang ay galing pa sa kanyang mga pinsan at kapatid.

Photo credits: google.com

Minsan ay napapaalis din siya ng guard sa kanyang pwenepwestohan at napipilitang lumipat ng ibang lugar.

Photo credits: google.com

Kwento ni Mong na noong una ay nagtitinda lang siya ng kung ano ano online at nag phophotography bilang kanyang sideline. Nagsimula pumasok sakanya ang idea ng pagtitinda ng kape ng isa sa kanyang mga kliyente ang nag hire sakanya upang magshoot ng kanilang coffee business.

Photo credits: google.com

Dahil natuwa sakanya ang kanyang kliyente at madaming kape ang ibinigay sakanya kung saan buong araw nagamoy kape ang kanyang bahay.

Photo credits: google.com

Dahil sobran nagustohan niya ang amoy ng kape, dito nagkaroon siya ng idea na magbenta ng kape gamit ang kanyang suprlus japanese bike na may trailer sa likod.

Photo credits: google.com

Kahit nahirapan si Mong noong una sa pagsisimula ng kanyang negosyo, hindi sya nawalan ng pag-asa at pinanghinaan ng loob, bagkus mas naing determinado siya sa kanyang mobile coffee business na magtatagumpay ito.

Photo credits: google.com

Ngayon sobrang dami na ang gustong makatikim ng kape ni Mong, ang iba pa nga dito ay galing pa sa ibat-ibang lugar kagaya ng Laguna, Cavite at Nueva Ecija. Pinalitan niya na din ang pangalan ng kanyang negosyo kung saan tinawag niya na ito ngayong City boy crew dahil mas nagexpand na sya dahil madaming tao na ang gustong mag franchise ng kanyang mobile coffee shop.

Photo credits: google.com

Sobrang pinagpala si Mong dahil sa kanyang sipag at tiyaga at paniniwala ang kanyang one man mobile coffee shop business ngayon ay madami ng branch na makikita sa mga lugar kagaya ng,

Cityboy Brew – Commonwealth

Cityboy Brew – Santiago Isabela

Cityboy Brew – Valenzuela

Cityboy Brew – South

Cityboy Brew – De Castro Pasig

Cityboy Brew – Marikina Riverpark

Cityboy Brew – Marikina East Side

Cityboy Brew – Pop up

Cityboy Brew – UP Diliman

Cityboy Brew – CUBAO

Sobrang nakakabilib si Mong, isinugal niya ang kanyang magandang trabaho at malaking sahod sa walang kasiguradohang negosyo. Pero dahil naniwala siya at hindi niya isinuko ngayon sobrang successfull na ng kanyang negosyo at inspirasyon siya ngayon sa maraming tao.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *