Dating Caregiver Isa na ngayong Fashion Designer, Pinatunayan na Hindi pa Huli ang Lahat para Tuparin ang Pangarap

Isang Pinay sa Canada ang hinangaan dahil sa kanyang tagumpay sa kanyang matagal ng pangarap na maging isang Fashion  Designer.

Kinilala ang pinay na si Genette Mujar dating caregiver sa ibang bansa na ngayon ay nakamtan na ang matagal nyang pinapangarap na maging isang fashion designer. Kwento ni Genette hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang sa fashion school dahil sa kapos sila sa pera at sobrang mahal ng matrikula dito.

Photo credits: OG |Youtube

Dahil nasa fashion ang hilig ni Genette at pangatlo siya sa magkakapatid, lahat ng pinaglumaan ng kanyang mga nakakatandang kapatid na ibinibigay sakanya ay kanyang nirerestyle. Natoto din manahi si Genette gamit ang lumang  makinang panahi ng kanyang nanay.

Photo credits: OG |Youtube

Pagbabahagi ni Genette na estudyante palang siya ay hilig niya ng sumali sa mga prestihiyosong fashion design.

Photo credits: OG |Youtube

Natigil sa kanyang pag fashion design si Genette ng magkaroon siya ng pamilya at mga anak, ayon dito ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap na kanyang dinanas dati at gusto niyang maibigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak, kaya naman nag desisyon itong mangibang bansa.

Photo credits: OG |Youtube

Photo credits: OG |Youtube

Una nagtrabaho siya bilang OFW sa taiwan, ngunit gusto niya na mas mataas ng sahod kaya naman plinano nitong pumunta ng Canada para mag caregiver, ngunit wala siyang experience sa pag cacaregiver at pinag-aaral muna siya ng caregiver bago siya makapasok sa canada, pumunta siya ng hongkong para doon muna magtrabaho ng caregiver at kumuha ng experience.

Ngunit hindi naging maganda ang unang mga buwan ni Genette sa hongkong dahil pinalayas umano siya ng kanyang amo hating gabi ng kwestuyinin niya ang mga ito kung bakit kulang ang ibinigay sakanyang sahod samantalang nagtratrabaho siya mula alas sais ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Buti nalang at may mga kaibigan na sumalo sakanya noong mga panahong kailangang kailangan niya ng matutuluyan.

Hindi din naging maganda ang kanyang naging experience sa kanyang pangalawang employeer, pero swenerte din sa kanyang pangatlong employeer.

Dahil andun padin ang kanyang hilig sa pag didisenyo, sumubok na mag enroll si Genette sa isang fashion school at ginawa niya ito ng nasa kolehiyo na ang kanyang mga anak at malapit ng matapos. Nagulat naman at sobrang saya niya ng malaman niyang natangap siya, pero aminado siya na siya ang pinakamatanda sa klase.

Photo credits: OG |Youtube

Photo credits: OG |Youtube

Dahil sakanyang pagmamahal sa fashion design nagpursige si Genette at ng grumaduate siya sa fashion school, naka receive siya ng best achievement award at dahil sa award na ito nakatanggap siya ng napakagandang recommendations na mag turo sa mga bagong fashion designer students, nahire din si genette bilang fashion designer sa isang local brand clothing company sa Vancouver Canada.

Photo credits: OG |Youtube

Photo credits: OG |Youtube

Dahil proud siya sa pagiging Pilipino niya, ang madalas ginagawa niya ay mga modernong filipiniana na talagang sikat na sikat na ngayon doon.

Talagang bibilib ka kay Genette, dahil pinatunayan niyang hindi pa huli ang lahat para sundan o tuparin ang iyong hilig.

Here's Why It's Never Too Late to Follow Your Passion | From Caregiving to Fashion Design | OG

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *