Dating “Araro Boy”, Ngayon ay May Sarili ng Bahay, Sasakyan at Lupang Sakahan

Naunang nakilala ang “araro boy” na si Reymark Mariano nang maitampok ang kaniyang nakakaantig na kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Maaalalang nagsusumikap sa pag-aararo ang sampung taong gulang na si Reymark gamit ang kaniyang kabayo na si Rabanos upang sila ay mabuhay. Ito ay dahil ang kaniyang lolo at lola na lamang ang bumubuhay sa kaniya habang nakakulong ang kaniyang tatay at may sarili namang pamilya ang kaniyang nanay.

Dahil dito, marami ang naantig sa istoryang ito ni Reymark. Hindi nagtagal ay bumuhos ang tulong mula sa iba’t ibang indibidwal. Dahil sa laki ng kanilang natanggap ay nabago ang kanilang buhay. Mula sa pag-aararo, ngayon ay napagtutuunan na ng pansin ni Reymark ang kaniyang pag-aaral bilang isang scholar. Proud na proud na ibinahagi ni Reymark ang kaniyang husay sa pag-aaral,

Photo credits: KJMS | Youtube

“Marunong na po ako nang kaunti ng English, magbasa. Every month po may nagpapadala po sa akin ng mga kailangan po sa pag-aaral po.” Nagagawa na rin ni Reymark ang magsaya at maranasan ang buhay ng isang bata. Kwento niya, “Hindi na po ako nag-aararo. Masaya po kasi kung ano gusto ko mabibili ko na po.”

Sa murang edad ni Reymark ay natuto na rin siya ng kahalagahan ng pera kaya naman nagdesisyon siyang magbukas ng bank account kung saan pumapasok ang mga donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal. Hindi rin nila sinayang ang tulong na kanilang natatanggap.

Photo credits: KJMS | Youtube

Sa kasalukuyan, mayroon na silang sariling bahay, isang van, at isang pickup truck. Nagkaroon na rin sila ng kanilang sariling lupang sakahan. Plano rin nina Reymark na magtayo ng isang negosyo sa kanilang lugar.

Photo credits: KJMS | Youtube

Photo credits: KJMS | Youtube

Photo credits: KJMS | Youtube

Photo credits: KJMS | Youtube

Photo credits: KJMS | Youtube

Dahil sa umaapaw na biyaya ay hindi mapigilan ni Reymark na magpasalamat para sa tulong na kanilang natatanggap. Nangako rin siyang pagbubutihin ang kaniyang pag-aaral,

“Nagpapasalamat po ako kay Ma’am Jessica kundi dahil sa kanya hindi po ako nakaunlad sa hirap. Sa ating mga OFW diyan, salamat po sa nagpadala sa akin ng pera. Promise, pagbubutihin ko po ang aking pag-aaral po.”

Talaga namang nakakamangha ang naging pagbabago sa buhay ng tinaguriang “araro boy”. Siniguro ng kaniyang pamilya na magagamit nang maayos ang perang kanilang natatanggap. Kahanga-hanga rin ang pagtanaw ng utang na loob ni Reymark sa lahat ng naging bahagi ng kaniyang pagsusumikap na maiahon sa hirap ang kaniyang pamilya.

Kapuso Mo, Jessica Soho: BAGONG PAG-ASA PARA KINA REYMARK, YUMI AT CLUEY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *