“Business Success Knows No Age”, Ito ang Pinatuyan ng 20-Taong Gulang na Binata Dahil sa Kanyang Edad ay Nagmamay-Ari na Siya ng Catering at Sizzling Restaurant

Isang 20-taong gulang na binata ang nagbigay inspirasyon sa marami, ito ay matapos niyang patunayan na ang pagiging matagumpay sa larangan ng negosyo ay wala sa edad kundi nasa determinasyon, dedikasyon at tiyaga mo sa pinasok mong negosyo.

Si V, ay ang 20-taong gulang na binata ngang nagpatunay na ang pagiging matagumpay sa negosyo ay wala sa edad, dahil sa kanyang edad ay nagmamay-ari na nga siya ng isang matagumpay na catering at restaurant business.

Photo credits: Marl Angelo M. Mangalino | FB

Ayon sa binata, napagtanto niya ang kahalagahan ng pagpapatakbo ng isang negosyo sa murang edad, dahil siya nga ay lumaki na nakikita ang kanyang mga magulang na matiyagang nagnenegosyo sa palengke sa pamamagitan nga ng pagtitinda ng mga prutas at gulay. Ito rin umano ang naging inspirasyon niya para mangarap ng malaki na makakatulong sa pamumuhay nila ng kanyang pamilya.

Photo credits: Marl Angelo M. Mangalino | FB

Kuwento niya, sa edad niya na 15-taong gulang noon, imbis na ine-enjoy niya ang teenage life niya tulad ng mga kaedaran niya, ay ang ginagawa niya ay ang magtinda sa kalye ng kung ano-ano, tulad na lamang ng mga candies, ihaw-ihaw at iba pa. Ginagawa niya umano ito sa kagustuhan niyang makapag-ipon ng sarili niyang pera, upang makatulong din siya sa kanyang mga magulang.

Photo credits: Marl Angelo M. Mangalino | FB

“Bata pa lamang talaga ako hilig ko na ang negosyo. Dahil isa akong batang laki sa palengke, kaya maaga akong namulat sa negosyo parang lahat na yata ng negosyo nasubukan ko na pati ang paglalako ng kung ano-ano,” pagbabahagi ni Marl. Dagdag na saad pa niya, malaki ang naitulong sa pagtupad niya ng pangarap ang mga karanasan niya sa negosyo sa murang edad niya.

Nang magkaroon nga ng krisis sa bansa ay nagsimula nga si Marl na isag maliit na negosyo, ito nga ay ang pagtitinda niya ng bake macaroni online, para makapagsimula nga siyang makapag-ipon. Noong una nga, ay mangilan-ngilan lamang ang umo-order sa kanya, ngunit sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin siya hanggang sa ang mga food tray na ibinebenta niya ang pumatok sa mga customers niya.

Photo credits: Marl Angelo M. Mangalino | FB

“Minsan nasa tatlo lang pero gagawin ko pa kahit walang tubo or minsan breakeven lang. Pero nakita ko sa negosyo na parang lumalakas, parang dumadami na yata ang customer ko.”
“Hanggang sa sinubukan kong maglakas loob ng food party tray. Nag umpisa din ako sa dalawang putahe, tatlong putahe pero unti-unti nila itong nagustuhan,” ani pa ng binata.

Dahil sa tagumpay ng kanyang food tray business, ay unti-unti na ngang sinimulan ni Marl ang kanyang catering business at ito nga ay ang kanyang Kusinegro Catering Services and Events.

Photo credits: Marl Angelo M. Mangalino | FB

Kasunod nito ay nagbukas din siya ng Kusinegro Kitchen House Sizzling.
Nang sumiklab ang krisis sa bansa, aminado si Marl na dumaan din sa pagsubok ang kanyang mga negosyo, ngunit hindi siya nagpatinag at pinili ngang harapin ito at magpatuloy sa kanyang nasimulan.

Photo credits: Marl Angelo M. Mangalino | FB

“Hindi ako nagpatinag doon dahil lagi kong iniisip na ang tumal, tinitiis hindi sinusukuan. Dahil sa negosyo, kung mahina ang loob mo talo ka”, saad ni Marl.

Sa ngayon ay isa ngang inspirasyon si Marl para sa marami, at nagiging inspirational speaker nga sa ilang mga paaralan, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga karanasan at tagumpay sa negosyo.

Photo credits: Marl Angelo M. Mangalino | FB

“Parang dati pangarap ko lang, ngayon unti-unti ko ng nakamit. At the age of 20, nakamit ko na lahat ng ito. Sana maging aral ito sa lahat na habang bata ka mag simula ka. Huwag kang matakot sumubok at magkamali dahil minsan sa iyong pag kakamali doon ka matuto.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *