Bakanteng Lote, Kinonvert ng Isang Single Mom sa Isang Napakagandang Garden na Punong Puno ng mga Prutas at Gulay

Dahil sa pandemyang tumama sa buong mundo, napilitan ang mga tao na magexplore ng mga bagong bagay sa kanilang bahay. Isa na dito ay ang pag tatanim ng kung ano ano sa bakuran kagaya ng mga gulay, prutas, halaman at bulaklak.

Naging sikat na bansag din ang mga salitang, Plantito at Plantita sa mga taong nahilig sa panananim ng ibat-ibang uri ng halaman pang hardin at bakuran.

Katulad nalang ng isang single mom na kinonvert sa another level ang bakanteng lote na ito sa isang napakagandang garden na punong puno ng pananim na gulay at halaman.

Pahayag ng single mom at businesswoman na si Raquel Young na,

“Naging tapunan na siya ng basura. Yung mga debris ng buong neighborhood—kung may mga repair sila sa bahay, binasag na concrete—they just throw it ‘dyan,”

Binili niya ang bakanteng lupain sa harap ng kaniyang bahay at nais lang sana niya ito linisin at tangalin ang mga kalat na itinatapon ng kaniyang mga kapitbahay dito para hindi maging madumi tignan, hanggang nagsimula na siyang taniman ito ng kung ano ano hanggang nagenjoy na siya ng husto sa pagtanim at pagpapaganda dito.

Nagsimula ang lahat ng maimplement ang unang ECQ kung saan naging limitado ang galaw ng tao, naghanap siya ng mapaglilibangan at ang bumaling sa atensyon niya ay ang kaniyang nabiling lupa sa harap ng kanilang bahay na naging tambakan ng kung ano anong gamit at basura.

Nilagyan niya din ng quality soil ang lupa upang masiguradong ang mga pananim niyang gulay at halaman ay tumubong masigla.  Lahat din ng trabaho dito ay siya ang gumawa at wala siyang binayaran na mga professional landscaper, architect o designer para mapaganda ang lupa.

Ganito ang itsura ng lote dati na punong puno ng wildgrass at may mga garbage can pa.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Dahil sa kaniyang hilig, sipag at tiyaga at pagmamahal sa pagtatanim, natupad ni Raquel ang kaniyang dream garden kung saan nakapagtanim siya dito ng mga gulay at prutas na pwedeng pwede nila pitasin anytime na kailangan nila sa kanilang pagluluto at hindi na pupunta sa palengke.

“Naglagay ako ng papaya, talong, tapos guava, and mga konting gulay lang. Ganun lang muna. Tapos syempre, ‘yun naman kasi in a month masasawa ka na [magtanim] pagka-nag-start na siyang lumaki. So nag-harvest kami after a mont, and ang harvest namin parang in a weekly basis.” Pagbabahagi ni Raquel

Nagtanim din si Racquel ng mga flowering plants na Cosmos sa may harap ng garden upang maging protekta sa mga dumadaang tao sa pedestrians at mga sasakyan.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Silipin na ngayon ang Finished Vegetable Garden na kaniyang nagawa.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Nakagawa din si Raquel ng pathway sa kaniyang garden matapos niyang irecycle ang mga itinapong sirang tiles at concrete sa lote.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Naglagay din ng maliit na coffee area si Raquel sa kaniyang garden para dito sila magrerelax while having their coffee at habang eneenjoy ang napakagandang ambiance ng kaniyang garden.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Makikita din ang wooden swing, foldable chairs at picnic tables na senetup ni Raquel at plano niyang dito ganapin ang ilan sa mga importanteng okasyon ng kanilang pamilya. Dito din balak niya makipagbonding sa kanilang mga anak kapag dayoff nila.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

May payo naman si Raquel sa mga plantito’s at plantitas na gusto din gayahin ang kaniyang naachieve,

“Give chance dun sa plants na akala mo mamatay na. And you don’t need yung mamahalin na pots. Kahit recycled plastic containers are fine. Dun ako nagpro-propagate, tapos tinatakpan ko na lang yung plastic with other plants.” Ayon kay Raquel.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Talaga namang kahanga hanga ang ginawang ito ni Raquel kung saan nagsimula lang sa idea na linisin ang lote hanggang nauwi sa ganito kagandang garden.

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Photo credits: IMAGE Koji Arboleda | Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *