Isang nag-aalalang ina ang lumapit sa mga autoridad dahil sa pagkawala ng anak nito nong ika-22 ng Marso 2022. Ang anak na dalaga ni Ginang Marifel Lofranco ay mahigit isang linggo nang nawawala at agaran itong humingi ng tulong sa tanggapan ng kapulisan sa Cebu. Kinilala ang dalaga sa pangalang Jherica Lofranco 19 taong gulang, residente ng Cebu.
Photo credits: Meme Ghorl | FB
Mangiyak-ngiyak na dumulog sa tanggapan ng mga pulisya ang ina ni Jherica upang tulungan syang hanapin ang nawawalang anak. Kwento pa nito may isang linggo na itong walang paramdam o kaya mensahe man lang. Lubos na nag-alala ang kanyang ina at inakalang na kidnapped ito.
Photo credits: Meme Ghorl | FB
Sa panawagan ng nag-aalalang ina,
“Manawagan unta ako kinsay nakakita sa akong anak, unta nga magpahibawo sila sa iyang nahimtungan, kay naguol na ako diri. Dili na gyud lalim nga wala nako’y tarong kaon, tulog. Maluoy intawon mo.”
Ayon sa ina ng dalaga nanawagan siya na kung sino man ang nakakakita sa kanyang anak ay agad ipagbigay alam sa kinauukulan. Hindi na rin siya nakakain at nakakatulog ng maayos at sa tamang oras. Kaya labis siyang nagmamakaawang tulungang hanapin ang kanyang dalagang anak.
Photo credits: Meme Ghorl | FB
Nakakadurog ng pusong makita ang isang inang umiiyak, balisa at lubhang nag-aalala. Sa tulong na rin ng mga kapulisan ng Cebu at sa agarang masusing pag-iimbestiga ay natagpuan ang dalaga sa bahay ng nobyo nito sa Tabogon City, Cebu. Kinilala ang nobyo ni Jherica Lofranco na si Herbit Berdin, sa kabutihang palad wala namang nangyari masama sa dalaga at nasa ayos itong kalagayan.
Photo credits: Meme Ghorl | FB
Ayon rin sa pahayag balak magtanan ng dalawa. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi na nagparamdam ang dalaga sa kanyang ina at hindi man lang nagpadala ng mensahe kung saan siya naroroon. Bagama’t nasa hustong edad na ang dalaga hindi pa rin tama ang kaniyang ginawa sa ina nito.
Photo credits: Meme Ghorl | FB
Ang pangyayaring ito ay isang paalala sa lahat ng kabataan na mapa sa hustong edad at pag-iisip man. Pagnilayang mabuti ang paggawa ng mga desisyon sa buhay, at isiping mabuti ang mararamdaman ng mga magulang at tiyaking ito ba ay makakabuti para sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Dahil may mga magulang na nag-aalala kung ano na ang nangyayari sa kanilang anak. Walang kamalayan sa mga pinanggagawa ng anak.
Photo credits: Meme Ghorl | FB
Maaring magsabi sa ina or kamag anak kung nais nang mag-asawa at kung kaya nang bumuo ng pamilya. At kung hindi naman sang-ayon ang magulang ay sumunod.
Sapagkat ang nais ng mga magulang ay ang kapakanan at kabutihan ng kanilang mga anak. Walang mga magulang na nasa tamang pag-iisip ang maghahangad ng ikakapahamak ng kanilang anak.