17 Taong Gulang na Pinay, Hinahangaan Ngayon Bilang Isang Computer Programmer, Kinilala sa Buong Mundo

Ang computer programming ang isa sa mga propesyon kung saan mas kakaunting mga tao lamang ang pumapasok. Karamihan din naman sa mga pumapasok dito ay mga kalalakihan. Ang computer programming din ang nagbibigay-daan upang magkaroon tayo ng mga softwares at video games.

Ito rin ang naging motibasyon ng 17 anyos na Pilipinang si Isabel Sieh upang kumuha ng kursong Computer Science sa Stanford University. Kinahihiligan umano ni Isabel ang paglalaro ng mga video games at natuwa siya na maaari siyang makapaglikha ng sarili niyang video game sa pamamagitan ng computer programming. Ngunit mas nauna siyang mamulat sa propesyong ito noong siya ay sampong taong gulang pa lamang. Napansin ng kaniyang guro ang kaniyang galing sa Matematika kaya’t hinikayat nitong subukan niya ang coding. Mula nga noon ay pinag-aralan na ito ni Isabel sa tulong na rin ng iba’t ibang sites sa internet. Kalaunan ay natuto rin siya ng HTML, CCC, at JavaScript.

Ibinahagi naman ni Isabel ang kaniyang karanasan sa pag-aaral,

“It was really interesting to me because I saw how I could create whatever I wanted. At the time, I loved playing games on my phone, and I suddenly realized that I had the power to create those games that I loved.”

Ngayon, bukod sa pag-aaral ay pinagkakaabalahan din ni Isabel ang panghihikayat sa mga kapwa babaeng teenagers na subukan ang paggawa ng mga codes. Dahil dito, sinimulan niya ang “Girls Will Code” kung saan tinuturuan nila ang mga babae ng coding. Ang ilang kilalang IT companies sa bansa katulad ng Google at Accenture ang naging partners ni Isabel para dito. Bukod pa rito, bukas rin para sa mga taong interesado sa coding ang sariling eskwelahan ni Isabel na “The Coding School”.

Dahil sa galing ni Isabel sa larangang ito at dahil na rin sa kaniyang mga naabot sa murang edad pa lamang ay kinilala siya ng isang website na Interesting Engineering bilang isa sa “7 Famous Computer Programmers Who Started Programming at an Early Age”. Kasama niya sa listahang ito ang ilan sa mga kilalang personalidad sa Amerika.

Totoong kahanga-hanga si Isabel. Dahil sa pagkilalang ito, maaaring dumami pa ang mga babae at kabataan na magiging interesado sa propesyon na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *