Ysabel Ortega, Ipinasilip Sa Kanyang Mga Tagahanga Kung Paano Niyang Ipinagluto ng Masasarap Na Pagkain Ang Kanyang Mga Magulang

Tila nga naeenjoy ng aktres na si Ysabel Ortega ang simple at masayang buhay sa probinsya. Sa gitna naman ng pandemya ay mas nagkaroon siya ng mas maraming oras para makasama at makabonding ang kanyang pamilya. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na ang pamilya ni Ysabel ay nagmamay-ari ng malawak na lupain sa La Union. At sa property nilang ito ay dito nga nila ginugugol ang kanilang panahon para magrelaks at magbonding.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Maliban naman sa pagiging mahusay na aktres, ay hindi naman maikakaila ang pagiging mapagmahal na anak sa kanyang magulang ni Ysabel. Sa katunayan nga nito, sa isang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel ay masaya niyang ibinahagi sa kanyang mga tagahanga kung paano niyang ipinagluto ng masarap na pagkain ang kanyang mga magulang.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Mapapanood sa kanyang vlog na una niyang ipinakita ang pagkuha niya ng mga sariwang isda sa dagat na inihatid sa kanila. Sa nasabing vlog rin ay ipinakita ni Ysabel ang iba’t ibang klase ng produkto na kanilang naani mula sa kanilang mga farm. Ang mga produkto ngang ito ay mga prutas at gulay tulad na lamang nga ng sitaw, talong, okra, papaya, mangga, at marami pang iba.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Samantala, ipinasilip na nga ni Ysabel sa kanyang mga tagahanga ang kanyang ginawang paghahanda at pagluluto ng mga putaheng ipinagmamalaki sa kanilang kanilang probinsya. Ilan lamang sa mga pagkain na kanyang niluto sa tulong na rin nh chef na kaibigan ng kanilang pamilya ay dendengdeng, pinaputok na bangus at inihaw na tanigue.

Photo credits: Ysabel Ortega | Youtube

Unang niluto ni Ysabel ang denengdeng na ang mga sangkap ay iba’t ibang klase ng gulay tulad ng sitaw, talong, at okra. Nilagyan rin niya ito ng bagoong at hibi para mas maging malasa ang sabaw. Hinahulaan rin niya ito ng inihaw na bangus para makompleto ang sangkap.

Sa pagluluto naman ng inihaw na tanigue ay ibinabad niya muna ito bago ilagay sa ihawan. Ipinaliwanag naman ni Ysabel ang bawat hakbang sa paghahanda at pagluluto ng pinaputok na bangus.

Kapansin-pansin naman na walang kaarte arte sa paghahanda at pagluluto si Ysabel kahit pa nga ang gamit niya sa pagluluto ay kahoy. Tila nga sanay na sanay na ang aktres sa simpleng buhay sa probinsya. Matapos namang maluto ang masarap na lutong inihanda ni Ysabel para sa kanyang mga magulang ay isang masayang salo-salo ang kanilang piangsaluhan.

Habang nasa labas naman ng bahay ay masisilayan sa kanilang lokasyon ang magandang view. Bukod nga sa masarap na pagkaing kanilang pinagsaluhan ay naenjoy rin nila ang ganda ng lugar at sariwang hangin.

Cooking For My Parents | Ysabel Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *