Wais na Misis na si Neri Naig, Ininvest ang Kinikitang Pera ng anak na si Miggy, Ibinili ng Condo para Iparent

‘Wais na Misis’ ito ang sikat na bansag ngayon sa asawa ng lead vocalist ng parokya ni Edgar na si Neri Naig Miranda dahil sa galing nito sa pag nenegosyo at paghawak ng pera. Si Neri ay nakilala bilang isang magaling na artista, pero ngayong may asawa na sya at anak, mas nag focus na sya sa pag nenegosyo.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Ibat-iba ang pinasok na negosyo ni Neri, magmula sa pagkakaroon ng mga restaurant, laundry shop na may coffee shop at barbershop, ukay ukay mga gourments products, bakeshop at marami pang iba. Lahat ng ito ay matagumpay niyang namamanage at napapalago dahil hindi niya lang ito basta pinuput up basta basta kundi masusi niya rin itong pinag-aaralan bago niya pasukin.

Pero maliban sa pagnenegosyo madami ding mga endorsement si Neri at Chito kung saan nagkakaroon pa sila ng extra income. At ngayong may sariling endorsement narin ang anak nilang si Miggy, sinisigurado ni Neri na ang kikitain ng kanyang anak sa mga endorsement nito ay mapupunta para sa future ng kanyang anak.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Pero dahil wais nga na misis si Neri, ininvest niya ang pera na kinikita ng endoresement ni Miggy kung saan magkakaroon ng monthly income at magkakaroon ng steady income si Miggy kahit meron o wala man itong iniindorsong produkto. Ayon sa Neri.

“Since may mga endorsements na si Miggy, inipon ko ang money nya para makapag invest at mapagkakitaan pa rin. Para habang bata pa, may negosyo na siya,” Ani Neri.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Ayon kay neri preselling ng makuha niya ang condo ni Miggy at buntis siya noon ng may nakita siya n nagbibigay ng flyers.

“Eto ang una niyang investment at negosyo. Diretso talaga sa bank account nya ang kikitain. Isang bedroom condo sa SMDC Grass, sa tabi lang ng SM North at Trinoma. Presell ko nakuha yung condo. Nagsstart palang maglakad si Miggy nun. May nag abot lang ng flyer sa akin sa SM The Block, kinuha ko naman habang buhat buhat ko si Miggy nun,” she explained. “At ang first endorsement nya, @babyflo_ph na agad. Yun na ginamit ko sa mga panimulang payment. After ilang years, buo nang nabayaran. Kaya excited na akong maparentahan, hehe! Para ipon ulit, next project naman sana, if may pasok sa budget.”

Ayon kay neri kapag okay na ang condo at gawa na ito ay sisimulan niya na itong i pa rent out lalo na’t ang lokasyon nito ay malapit lang sa SM North at Trinoma.

“Daily ang rent, since ipina ayos talaga namin ang condo sa @grupo.santamaria parang nagstay ka na rin sa hotel pero mas affordable. Walking distance pa ang malls. Update ko kayo soon kung kailan pwede nang marentahan,” dadag pa niya.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Talagang mapapahanga ka kay Neri lalo na at sobrang galing niya pag dating sa mga investment. Talagang magandang gawing inspirasyon ang wais na misis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *