Tinaguriang 90s Darna at Dating Aktres na si Nanette Medved, Tinotoo ang Pagiging Real Life Super Hero Dahil sa Pagtulong sa Kapwa, Ito na din ang Buhay niya Ngayon

Sa industriya ng showbiz, maituturing na isang malaking oportunidad at karangalan ang gumanap bilang Darna, ang isa sa pinakasikat na Pinay superhero ng bansa.

Sa katunayan, 14 na beses na itong naipalabas bilang isang pelikula samantalang apat na beses itong ipinalabas sa telebisyon. Sa ngayon ay mayroon ding binubuong palabas para dito. Dahil dito, napakarami na rin ang gumanap bilang Darna at bawat isa sa kanila ay talagang tumatak sa madla. Isa na rito si Nanette Medved.

Photo credits: Nanette Medved | IG

Dahil sa kaniyang kasikatan matapos ang kaniyang pagganap bilang Darna, iisiping magpapatuloy siya sa kaniyang matagumpay na karera sa showbiz. Ngunit huli siyang lumabas sa isang pelikula kung saan katambal niya ang kilalang aktor na si Fernando Poe Jr.

Ikinagulat ng ilan ang kaniyang pagtalikod sa pagiging artista kaya naman ngayon ay ibinahagi niya ang rason para sa malaking desisyon na ito.

Mula nga sa pagiging artista, ngayon ay maituturing si Nanette bilang isang real-life Darna dahil sa kaniyang pagtulong at pagseserbisyo sa kapwa. Bahagi siya ng isang foundation na tumutulong sa pagpapagawa ng mga paaralan sa buong bansa.

Photo credits: Nanette Medved | IG

Bukod dito, nagkaroon din siya ng ilang programa para sa pangangalaga ng kalikasan gaya ng Plastic Credit Exchange (HOPEx), dahilan upang mabigyan siya ng parangal bilang Asia’s Heroes of Philanthropy mula sa Forbes. Nabigyan din siya ng parangal mula sa Philippine House of Representatives.

Photo credits: Nanette Medved | IG

Bagamat naiwan niya ang sana’y napakagandang karera sa showbiz, masayang-masaya naman ang 49 na taong gulang na aktres. Wala ring halong pagsisisi ang desisyon na ito sapagkat isa ito sa kaniyang pangarap na gawin sa buhay. Isa pa, nagkaroon din siya ng mas tahimik na buhay kasama ang kaniyang pamilya. Kwento ng dating aktres,

“I think that it’s because I love what I do. We all kind of choose to serve in our own way and so this is the way I choose to serve and so there are no regrets to that. Plus I have an amazing family, a great life, and I get to do this really meaningful work.”

Makikita rin naman ang tunay na kasiyahan ni Nanette sa kaniyang kasalukuyang buhay. Kuntento rin siya sa kaniyang mga nagagawang pagtulong sa mga Pilipino at sa kalikasan.

Taong 1999 ng ikasal si Nanette sa asawa nitong si Cristopher Po na ngayon ay patuloy pa din ang pagmamahalan na may matibay na relasyon na ang sentro ng kanilang pagmamahalan ay ang panginoon.

Photo credits: Nanette Medved | IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *