“Talagang precious gem”, Scarlet Snow Belo Nag Dala ng Swerte sa Buhay ng Kanyang mga Magulang na Sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Ayon Kay Nay Lolit Solis

Isa sa mga popular na celebrity kids ngayon ay ang anak ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo. Marami ang talaga namang kinagigiliwan ang nag-iisang anak ng mag-asawa, sapagkat maliban sa pagiging charming nito, ay namana rin niya ang katalinuhan at kabutihan na loob ng kanyang mga magulang.

CREDITS: Hayden Kho| IG

Si Scarlet Snow Belo ay isinilang noong buwan ng Marso taong 2015 sa pamamagitan ng surrogacy. Nito lamang ngang nakaraan ay nagdiwang na ng kanyang ika-7 taong gulang na kaarawan si Scarlet Snow, at marami nga ang nagpaabot ng pagbati para sa kanya, kabilang na rito ang veteran showbiz columnist na si Nay Lolit Solis.

CREDITS: Hayden Kho| IG

Ayon kay Nay Lolit Solis, si Scarlet Snow ang ‘lucky charm’ ng mag-asawang Dra. Vicki at Hayden Kho, dahil magmula nga ng dumating sa buhay ng mga ito ang kanilang anak, ay mas lalo pang lumago ang kanilang buhay, kabilang na dito ang naging pagsikat at paglaki pa lalo ng negosyo nilang BELO.

CREDITS: Hayden Kho| IG

“Parang naging lucky charm siya ng mag-asawa na lalo pang lumago ang buhay ng nandiyan si Scarlet. Lalo pang sumikat ang BELO at lumaki. So Scarlet is not only precious but very luck gem”, saad ni Nay Lolit.

Pagbabahagi pa ni Nay Lolit, tunay ngang napakabilis ng paglipas ng panahon at ito’y hindi natin namamalayan, sapagkat parang kailan nga lamang ay isang munting sanggol pa lamang si Scarlet ng ito ay kanyang masilayan, at ngayon nga ay pitong taong gulang na ito.

CREDITS: Hayden Kho| IG

“Parang kailan lang iyon baby pa si Scarlet, Salve. Pero 7 years old na pala ngayon ang very famous baby ni Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho”, dagdag na pahayag pa nga ng veteran columnist.

Magmula pa ng sanggol si Scarlet ay nasubaybayan na nga ng publiko ang kanyang paglaki dahil sa madalas na nakikita ng publiko ang kanyang mga larawan sa telebisyon at sa social media.

CREDITS: Hayden Kho| IG

Ayon nga kay Lolit Solis, sa kabila ng pagiging marangya ng buhay ni Scarlet, ay lumaki naman ito ng behave, very sweet at mabuti sa kanyang kapwa.
Sa huling bahagi ng IG post ni Nay Lolit ay kanya ngang ipinaabot ang pagbati niya para kay Scarlet sa kaarawan nito.

“Happy birthday dear Scarlet, grow older and wiser, be the beautiful Queen of Belo group forever”, pagbati ni Nay Lolit kay Scarlet Snow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *