“Take down your pride, say sorry first.” Mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia, Ibinahagi ang Kanilang Sikreto kung Paano Napapanatiling Healthy and Strong ang Kanilang Relasyon

Ang mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer ay kilalang kilala sa kanilang pagiging wonderful parents sa kanilang mga anak, dahil sila lang naman ay very supportive sa kanilang mga anak. Makikita sa bawat post nila sa kanilang mga Instagram kung gaano sila kasayang mag-pamilya.

Photo Credits: Chesca Garcia Kramer | IG

At kamakailan nga lamang ay nagpost si Chesca sa kaniyang Instagram ng larawan nilang mag-asawa, kung saan ibinahagi siya ng mga tips kung paano nila napapanatili mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa isat’ isa.

Photo Credits: Chesca Garcia Kramer | IG

Sa post ni Chesca, ibinahagi niya na ang isa mga tips upang mapanatili ang sweetness sa kanilang pagsasama ay ang i-spoiled nila ang isa’t isa. Dahil isa ito sa mga paraan nilang mag-asawa kung saan naipapakita nila sa isa’t isa ang kanilang pagmamahalan. Ito ay may caption ni Chesca na,

“Spoiled wife, spoiled husband too! ❤️ It work both ways. It’s just but right for husband and wife to spend time and to continue to date each other”. ❤️There is plenty of room to grow and to know each other even more. It shouldn’t be optional, it’s obligatory- Out of love and devotion to your spouse”, ❤️ sabi pa ni Chesca.

Photo Credits: Chesca Garcia Kramer | IG

Samantala sa isa namang ihawalay na post ni Doug sa kaniyang Instagram, nagbahagi rin siya ng tips kung paano nila napapanatili ang kanilang maayos at masayang pagsasama nila ni Chesca. Ayon sa kanyang post, ang pagkakaintindihan sa isa’t isa ng mag-partner ang pinaka-importante. Isa daw ito sa mga paraan upang maging long lasting ang pagsasama ng mag-asawa.

Photo Credits: Chesca Garcia Kramer | IG

“Work your troubles and misunderstandings, saying they should never let a day pass when you argue and fight, sixteen years together and we have never let an argument last more than a day”, caption ni Doug sa kanyang post.

Dagdag pa ni Doug, dapat matutunan ng mag-asawa ang pagpapakumbaba. Matutong humingi ng tawad kung nagkamali at ibaba ang pride upang magpatawad.

Photo Credits: Doug Kramer | IG

Laging alalahanin na mas matimbang pa rin ang pagmamahal kesa sa kung anong emosyon ang nararamdaman. Ito ang caption niya sa kanyang post,

Photo Credits: Chesca Garcia Kramer | IG

“Take down your pride, say sorry first. Admit your own faults rather than pointing fingers. Work on what you need to do rather than trying to change your partner’s attitude. Remember, love is more than an emotion. It’s always a choice.”

Kaya ngayon ang mag-asawa ay masayang namumuhay kasama ang kanilang tatlong anak. Kitang kita naman sa kanilang larawan ang kanilang kasiyahan.

Sa bawat araw ng kanilang pagsasama kailanman ay hindi nawala ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Nawa’y ang kanilang mga tips na kanilang ibinahagi ay maging paraan rin ng iba pang mag-asawa upang magkaroon ng maayos at masayang pagsasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *