“Swimming with my Girl!” Jennylyn Mercado Fresh at Blooming na Blooming sakanyang 30th Week ng Pagbubuntis

Blooming na blooming pa din si Jennylyn Mercado sa kanyang latest photos na ipinos sa kanyang instagram account, makikita dito ang kanyang tiyan na litaw na litaw na ngayong nasa 30th week na siya ng kanyang pagbubuntis,

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang kanyang blooming na larawan na nakasuot ng puting one piece swim suit at may caption na,

“30th week swimming with my girl! “

Matatandaan na nagdesisyon si Jennylyn at Dennis na magpakasal noong November 15, 2021 kung saan ginanap ang kanilang intimate civil wedding sa bagong gawang studio ng kanilang matalik na kaibigan na si Kathryn Bernardo. Pero bago ang kanilang kasal masayang ibinahagi muna ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Jennylyn, kung kayat marami sa kanilang fans ang super excited sa magiging itsura ng kanilang baby.

Ibinahagi din ng mag-asawa na ang gender ng kanilang magiging anak ay babae kung saan tuwang tuwa naman si Jennylyn dahil magkakaroon na ng kapatid na babae ang kanyang anak na si Jazz.

Marami naman sa kaibigan ni Jennylyn sa showbiz ang nagbigay ng kumento sa kanyang larawan na ibinahagi sa kanyang Instagram account, katulad nalang nila Marian Rivera, kung saan sabi nito na,

“Awww excited na ako makita ka inaanak ko stay safe mare.” , ani Marian.

“Cute niyo”, sabi naman ni Sheena Halili

Ilan pa sa mga malapit niya na kaibigan na nagbigay ng emoji na kumento na nagpapakita ng kanilang excitement ay sila, Angel Locsin, Yasmin Kurid at marami pang iba.

Ang natura naman litrato ay kuha mismo ng kanyang asawang si Dennis Trillo na excited na rin sa paglabas ng kanyang baby girl. Siguradong magiging isang mabuting ama at ina si Jennylyn at Dennis at siguradong bubusugin nila ito ng pagmamahal kagaya ng pagmamahal na ibinibigay nila sa anak nilang si Jazz.

Photo credits: Dennsi Trillo | IG

Sa ngayon matatawag na talagang isang masayang pamilya dahil sa parating na anghel sa kanilang buhay na siguradong mag bibigay ng kulay sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *