Sulyapan ang Masayang Family Vacation Nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa Paraisong Isla ng Amanpulo

Halos dalawang taon din ngang naburyo ang marami sa atin sa loob ng ating mga tahanan, ito ay dahil sa takot natin sa pandemyang kumakalat sa ating kapaligiran ay pinili nga nating manatili sa loob ng ating tahanan at hindi makahalubilo sa iba. Dahil din dito ay hindi nga natin halos nakasama ang ating ilang kapamilya, kaya naman tunay ngang na-miss natin na sila ay maka-bonding at makasama.

Photo Credits: Kristine Hermosa |IG

Tulad na lamang ng malaking pamilya ni Bossing Vic Sotto, na noong kasagsagan nga ng krisis ay halos hindi nga nagkasama. Kaya naman ngayon na unti unti ng nagbabalik sa normal, ay sinulit nga ito ng kanilang buong pamilya at silang lahat ay nagbakasyon sa mala-paraisong isla ng Amanpulo, sa Palawan.

Photo Credits: Kristine Hermosa |IG

Nito nga lamang unang linggo ng buwan ay nagtungo sa Amanpulo, Palawan ang buong pamilya ni Bossing Vic. At sa Instagram nga ng misis ngayon ni Vic na si Pauleen Luna ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng kanyang pasasalamat dahil sa muli nga niyang nakasama ang malaking pamilya ng kanyang mister.

Photo Credits: Kristine Hermosa |IG

“I feel like major sepanx is about to happen 😩 so much memories were made on this trip, up until the plane ride going back 🤣 I thank our Lord for blessing us with this opportunity and most of all for blessing me with this family! What a blessing you all are to me! No echos, plain and simple, all love ❤️, saad ni Pauleen.

Sa isang post ay inihayag din niya kung gaano sila nag-enjoy pamilya sa kanilang masayang bakasyon sa nasabing lugar, at ito ay ipinagpasalamat niya rin sa Poong Maykapal.

Photo Credits: Pauleen Luna |IG

“This place is absolutely beautiful but the presence of our family makes this trip the best ever! Thank you, Lord, for our family ❤️ my heart is full of gratitude!”, dagdag pa niya.

Photo Credits: Pauleen Luna |IG

Makikita nga sa mga larawan na kuha sa naging bakasyon ng pamilya na kasama nga nina Pauleen sa family vacation nila ang mga anak ng mister niyang si Bossing na sina Oyo Sotto at Danica Sotto, kasama din ng mga ito ang kani-kanilang mga asawa at mga anak.
Kasama ni Oyo ang misis niyang si Kristine Hermosa, at kasama naman ni Danica ang mister niyang si Marc Pingris. Sumama rin sa pamilya ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa.

Photo Credits: Pauleen Luna |IG

Kitang-kita naman talaga sa larawan ng pamilya kung gaano sila nag-enjoy sa kanilang bakasyon sa Amanpulo, lalo na’t namiss din nga nila ang ganito bonding nilang pamilya, dahil sa matagal din nga nila itong hindi nagawa mula nga ng magkaroon ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *