Silipin ang Resort na ito sa Pampanga na may Nakakamangha at Napakagandang View ng Mt. Arayat

Naplano niyo naba ang mga destinasyon na pupuntahan ninyo ngayong summer? Maari ninyong idagdag sainyong listahan ang Montara Waters Park and Resort sa arayat pampanga na may mala Bali Inspired na setup.

Sa isang vlog na ibinahagi ng vlogger na si One Armed Wanderer, ipinasilip niya ang kaniyang naging bakasyon sa Montara Waters Park Resort sa arayat pampanga.

Photo credits: windowseat.ph

Dito maeenjoy ninyo ang napakagandang kapaligiran na napapalibutan ng palayan at napakagandang view ng kapaligiran habang ninanamnam ang sariwang hangin.

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Sa loob makikita ang mga bamboo houses na mukang ordinaryo lang sa labas pero pag pasok mo sa loob ay maganda. Kada bamboo houses namman ay may kanya kanyang nakatalagang mini pool at malaking kawali para mapaliguan. May mga nakatalaga ding common pool kung saan lahat ng kanilang guest ay pwedeng maligo dito.

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Maliban naman sa kanilang mga bamboo houses, may mga A houses din sila na talaga namang napakaganda at luxurious sa loob, may mga sarili din itong mini pool na nakatalaga bawat A houses.

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Kumpleto rekado naman ang kanilang mga A houses cabin kung saan may telebisyon, refrigerator at air-condition. May isang malaking kama at single bed naman bawat A houses cabin nila. Napakalinis din ng kanilang comfort room kung saan hiwalay ang toilet sa shower room.

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Sa gabi naman ay siguradong hindi nakakatakot ang kapaligiran dahil punong puno ang resort ng mga eleganteng ilaw na nagbibigay ng ganda at liwanag sa kapaligiran.

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Kung gusto niyo naman mas lalong marelax ay nagooffer ang resort ng nakakarelax na massage services. Samanatala pagbabahagi naman ng vlogger na ang resort ay pandemic ready at halos lahat ng mga rooms nila, katulad ng cabin, villa ay may kaniya kaniyang Jacuzzi at swimming pool.

Kitang kita naman ang napakagandang view ng mount arayat habang eneenjoy ang mga amenities ng resort. Mabilis din umano ang internet dito kaya naman sa mga naghahanap ng tahimik na mapagbabakasyonan habang nagtratrabaho ay swak na swak ang resort na ito.

Isa naman sa the best feature ng resort at pinakapaborito ng karamihang travelers ay ang free breakfast kung saan nagooffer sila ng buffet breakfast.

Photo credits: One Armed Wanderer | Youtube

Hindi din magugutom ang kanilang mga guest dahil nag ooffer ang resort ng ibat ibang masarap na potahe.

Enjoy na enjoy naman ang vlogger sa kanilang pag-stay sa resort kung saan na feel nila ang kakaibang experience, nagustohan din nila ang mga masasarap na pagkain na inooffer ng resort.

Kaya ano pa inaantay nyo idagdag nyo na ito sa listahan ninyo.

MONTARA WATERS PARK AND RESORT ARAYAT PAMPANGA | Bali Inspired Resort with Breathtaking View!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *