Naghahanap ba kayo ng kakaibang vacation experience? Silipin ang kaunaunahang vintage aistream suite sa taas ng bundok na matatagpuan sa Calaca, Batangas. Sa isang video na ibinahagi ng Only Good Content (OG), ipinasilip nila ang kakaibang vacation experience na matatagpuan sa tuktuk ng bundok.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Welcome sa Camper and Cabin sa Calaca Batangas, kung saan tinagurian sila ang pinakaunang mayroong airstream accommodation sa Pilipinas. Sa kapaligiran palang ay solve na solve kana dahil bubungad sayo ang overlooking view na may makapag pigil hiningang ganda. Matatangal din lahat ng stress nyo dahil sa napakalamig at napaka sariwang simoy ng hangin.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Isang lumang airstream na kanilang nirestore at pinaganda ng husto ang unang makikita sa video, ayon sa owner na ang vintage airstream na ito ay galing pa ng United States of America at may edad na na 50 taon gulang. Hindi din umano naging madali ang paguwi nila sa vintage airstream dahil sa sobrang daming requirements at masyadong malayo sa pinas.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Pagpasok palang sa loob ng Airstream mararamdaman mo na ang goodvibes. Sasalubong sainyo ang warm white na mga ilaw at ang napakaganda at napakalinis na interior. Ang loob ng Airestream ay fully equipped ng mga kagamitan katulad ng aircon, electric stove kung saan pwede magluto, maliit na lababo, at luxurious bed na good for 2 persons.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Napaka scpaceous naman ng banyo at sobrang galante sa loob.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Sobrang vintage naman ang feel kapag nasa loob ka at parang pakiramdam mo wala ka sa Pilipinas at nasa ibang bansa ka. Isa ito sa pinaka dabest na getaway experience kung naghahanap kayo ng lugar kung saan gusto niyo mawala ang inyong stress at panandaliang makalimutan ang mga problema.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Ayon naman sa OG na ang base rate sa airstream na ito ay nagkakahalaga ng P12,500 per night na pwedeng maka accomodate ng 2 adults at 2 kids na below 7 years old. Maliban naman sa kanilang airstream ay may mga cabin naman na inooffer ang resort na sobrang ganda din at luxurious ang disenyo.
Photo credits: Only Good Content (OG) | Youtube
Talagang masaya magbakasyon lalo na kung ang lugar na pagiistayan ninyo ng inyong pamilya o mga kaibigan ay ganito kaganda at ka relaxed ang view. Talagang makakalimutan ninyo ang mga problema nyo.