Silin ang Moderno at Napaka Gandang Mansyon ng Kapuso Star na si Jennylyn Mercado

Isa si Jennylyn Mercado sa mga pinakasikat na aktres ngayon. Nakilala siya sa kaniyang iba’t ibang pagganap sa loob ng napakaraming taon. Dahil sa kaniyang kasikatan, nakapagpundar siya ng isang bahay.




Bukod sa produkto ito ng kaniyang pagsisikap, kahanga-hanga rin ang moderno at eleganteng disenyo nito.

Photo credits: Reliving.ph

Sa foyer pa lamang ay makikita agad ang napakagandang mga disenyo at memorabilia. Makikita rin ang iba’t ibang mga furniture na regalo ng mga kaibigan ni Jennylyn sa showbiz.

Sa isang sulok naman ng bahay makikita ang mga musical instruments gaya ng piano at gitara na tinutugtog ng aktres.

Photo credits: Reliving.ph

Pagdating naman sa living room ng bahay, makikita agad ang komportableng mga furnitures. Sa kabuuan ay mayroon itong neutral colors.




Tinatangkilik din naman ni Jennylyn ang mga produktong sariling atin dahil mula sa mga lokal na pagawaan ang mga furniture na ito.

Photo credits: Reliving.ph

Hanggang sa dining area ay makikita pa rin ang eleganteng tema ng bahay. Dahil sa lawak ng kanilang mesa, siniguro ng pamilya ni Jennylyn na magkakaroon sila ng pagkakataon na magsalo-salo at makapag-usap sa hapag-kainan. Dumagdag din sa kagandahan ng dining area ang kakaibang chandelier.

Photo credits: Reliving.ph

Bukod pa rito, kapansin-pansin na hindi lamang isa kundi dalawa ang dining area ng bahay na ito. Kaiba sa puting mesa ng unang dining area, kulay itim naman ang mesa sa pangalawang dining area. Malawak din ang mesa na ito kung saan kasyang-kasya ang walong tao.

Makikita rin dito ang isang telebisyon kaya naman maaaring makapagrelax ang buong pamilya habang sila ay kumakain. Mukha ring komportable ang pagtatrabaho sa kusina ni Jennylyn. Bukod sa malawak nitong espasyo, marami din ang storage spaces na maaaring paglagyan ng kanilang mga kagamitan.

Photo credits: Reliving.ph

Photo credits: Reliving.ph

Dagdag pa sa mga nasabing kwarto ay ang den kung saan makikita ang entertainment appliances ng aktres. Dito rin sama-samang nagrerelax ang buong pamilya.

Photo credits: Reliving.ph

Bukod sa mga nasabing parte ng bahay, binigyang-pansin din ni Jennylyn ang ilan pang sulok ng bahay. Isang halimbawa rito ay ang malawak na dingding kung saan inilagay niya ang ilang mga litrato ng kaniyang anak at nanay at maging ang mga litrato mula sa kaniyang bakasyon.

Photo credits: Reliving.ph

Photo credits: Reliving.ph





Maging ang powder room ay binigyan din ng pansin ni Jennylyn. Siniguro niyang kumpleto ito sa mga pangangailangan ng mga bisita at higit sa lahat, pinapanatili nila itong malinis sa lahat ng oras.

Photo credits: Reliving.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *