“Say hello to my baby bump”, Dimples Romana Masayang Inanunsyo ang Kanyang Pagbubuntis Para sa Magiging Baby Number 3 Nila ng Mister Niyang si Boyet Ahmee

Ang mga sorpresa nga naman, ay sadyan lamang dumarating sa ating buhay. May mga sorpresang inaasahan na na nating darating, ngunit mas madalas na ito ay hindi natin inaahasan, lalo na kung ito ay mula sa Diyos na lumikha sa atin.
Tulad na lamang ng hindi inaasahang sorpresa na natanggap ng Kapamilya actress na si Dimples Romana sa kanyang buhay, kamakailan lamang.

Photo Credits: Dimple Romana | IG

At ito nga ay ang pagbibigay muli sa kanya ng pagkakataon na maranasan ang magdala ng isang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Nito lamang araw ng Biyernes, ika-18 ng Marso sa mismong media event ng latest endorsement ng Kapamilya actress na vitamin brand na Fortima ay masaya ngang inanunsyo ni Dimples ang kanyang pagbubuntis sabay sa pagpapakita pa ng kanyang maumbok ng baby bump.

“Ladies and gentlemen, I am expecting baby number 3!” anunsyo ni Dimples.

“Say hello to my baby bump,” saad pa ng aktres kasabay nga ng pagbibida sa harap ng kamera ng kanyang maumbok ng tiyan.

Photo Credits: Dimple Romana | IG

Maliban pa dito, ay ikuwento din ng 37-taong gulang ng si Dimples kung gaano siya nasorpresa sa hindi niya inaasahan na sorpresa na ito sa buhay nila ng kanyang pamilya. Pagbabahagi niya, marahil ay malaki ang naitulong sa muling pagkakaroon nila ng baby ang pagiging mas malusog at maayos ng kanyang kalusugan.

Photo Credits: Dimple Romana | IG

Dagdag na saad pa ng aktres, talagang nagulat siya ng makumpirma niya na siya’y buntis, lalo na’t hindi naman nila sinusubukang mag-asawa dahil sa dalawa na rin nga ang kanilang anak at ito ay isang babae at isang lalaki na din, si Callie at si Alonzo.
Ayon pa kay Dimples, dahil sa 7-taon an rin nga ang bunsong anak nila na si Alonzo, ay talagang hindi niya inakala na magkaka-baby sila uli ng kanyang mister.

Photo Credits: Dimple Romana | IG

“Feeling ko talaga because my body is in good health, it’s very strong right now and I feel great. I think kaya naging mas mabilis din ‘yung pagkakaroon namin ng baby. So alam mo, I really have been eating good, I lost the unnecessary weight before I even got pregnant. So feeling ko talaga because I’ve been taking the proper vitamin supplements, I have been doing all these exercises and proper diet kaya alam mo ‘nung nalaman ko ‘yung balita, as in nagulat ako.Kasi we weren’t even trying. Kasi siyempre kami naman ni Boyet (Ahmee, her husband), [we] already have Callie and we already have Alonzo and seven years later, malay ko ba magkakaroon pa ako ng isa pang baby so we are very pregnant po.”

Hindi naman naiwasan ng aktres na maging emosyonal dahil na rin sa labis na kasiyahan na kanyang nararamdaman ngayon na may panibago na naman ngang biyaya sa kanilang pamilya. Saad pa niya, sobrang kontento na ng puso niya sa lahat ng mayroon siya ngayon.

Photo Credits: Dimple Romana | IG

“Pasensya ka na, sobrang naiyak ako kasi parang first time ko to really go out there and say we’re now a family of five.”
“I feel content in my heart.”
Nagbigay naman ng ‘hint’ si Dimples para sa magiging pangalan ng magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya, kung saan ay kanya ngang sinabi na magsisimula ang pangalan nito sa letrang ‘E’, at soon nga ay malalaman na rin ito ng publiko kapag nalaman na nila ang gender ng baby.
“Yes, baby letter E po ito. So kung ito ay girl or boy, in one week, malalaman na ninyo kasi A.B.C.D. kami. Alonzo, Boyet, Callie and Dimples. Ngayon letter E na ito,” saad ni Dimples na binanggit nga ang pangalan ng bawat miyembro ng kanyang pamilya.

Masaya naman ang marami para sa aktres, at masasabi ngang ‘deserve’ niya lahat ng biyaya na ito sa buhay nilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *