Halos mag-iisang taon na rin ang nakalilipas magmula ng isapubliko ng singer-actress na si Maris Racal at ni Rico Blanco ang kanilang relasyon. Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad, ay pinatunayan naman ng dalawa na mas lalo pa ngang tumitibay at tumatamis ang kanilang pagmamahalan.
CREDITS: Maris Racal |IG
Matapos ang unang pagsasama ng magkasintahan pagdating sa musika, ay nagsama din sina Maris at Rico sa romcom sries na The Goodbye Girl na ipinalabas sa iWantTFC.
Samantala, nito lamang nakaraan ay nagdiwang na ng kanyang ika-49 taong gulang na kaarawan si Rico, at sa espesyal na araw nga na ito ng kanyang buhay ay nagpaabot ng pagati para sa kanya ang nobya niyang si Maris Racal. Kalakip ng simpleng post na ito ni Maris ay ang paborito nga niyang snapshots at video clip ng kanyang partner.
CREDITS: Maris Racal |IG
“happy birthday, my fave subject. 🤠”, ang maikling saad ni Maris sa kanyang social media post.
Kung babalikan naman ang nakaraang panayam sa singer-actress, ay matatandaan na ibinahagi ni Maris kung ano nga ba ang pinaka-iibig niya sa partner niyang si Rico Blanco na halos 25-taon nga ang lamang sa kanyang edad.
CREDITS: Maris Racal |IG
“I feel safe when he’s around and what’s what I like about being with him. Parang safe talaga yung feeling ko pag andiyan si Rico. Feeling ko any kind of problem or overthinking, pag sinasabi ko sa kanya, he always gives this logical reason kung bakit ko yun nararamdaman and unti-unti ko na naiintindihan yung self ko and whatever I was thinking. Gusto ko na may ganun sa buhay ko and I’d like to keep that around,”, ang naging saad ni Maris sa naging panayam sa kanya.
CREDITS: Maris Racal |IG
Naibahagi rin ni Maris na habang mas tumatagal ang relasyon nila ng nobyo, ay mas marami pa nga siyang nilu-look forward pagdating sa kanilang pagmamahalan. Nagpapangiti rin umano sa kanya sa tuwing binabalikan niya ang mga bagay na o memories nila ni Rico lalo na nung nagsisimula pa lamang sila.
CREDITS: Maris Racal |IG
Ayon din sa singer actress, marami umano silang plano ng nobyo, ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng pandemya ay na-hold muna ang mga ito. Ilan nga sa mga ito ay ang magkasama silang mag-travel, upang mas lalo pa nga nilang makilala ang isa’t isa.
“I think parang feeling ko lang the more na mas tumagal kami, I know mas marami akong nilu-look forward sa relationship namin ni Rico and yung mga firsts namin and memories together.
CREDITS: Maris Racal |IG
Lalo na may mga plans kami na na-put on hold muna because of the pandemic. We didn’t really get to go out as much and travel and all. So yun yung ni-lu-look forward ko more memories with him which is going to be a lot of fun and mas makikilala pa namin ang isa’t isa,” pahayag pa nga ni Maris sa panayam sa kanya.