Regine Velasquez, Bumuhos ang Luha ng Muling Alalahanin ang Pagiging ‘Third Party’ Niya sa Dating Mag-asawang Sina Ogie Alacasid at Michelle Van Eimeren

Sa mundo ng showbiz ay isa ang mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa hinahangaan ng marami, ito ay dahil na rin sa pagiging bukas nila sa publiko, kahit na nga pagdating sa kanilang personal na buhay nilang mag-asawa.

Photo Credits: Regine Velasquez| IG

Ilang taon na rin ngang mag-asawa sina Regine at Ogie, at sila ay nabiyayaan na rin ng isang anak na lalaki. Ngunit batid naman ng publiko, na si Regine ay pangalawang asawa na ni Ogie, dahil ang una ngang naging asawa ng singer-songwriter ay ang beauty queen noon na si Michelle Van Eimeren, kung saan ay nagkaroon din nga sila ng dalawang anak na babae.

Photo Credits:Google.com

Ikinagulat nga noon ng marami ang dahilan kung bakit, bigla na lamang naghiwalay ang dating mag-asawa na sina Ogie at Michelle, lalo pa’t tila wala namang pinagdaanang isyu ang dalawa, hanggang sa lumabas na nga lamang ang ulat na si Ogie ay karelasyon na nga ng tinaguriang Asia’s Songbird.

Photo Credits: Regine Velasquez| IG

Samantala, marami naman talaga sa atin lalo na sa mga tagahanga nina Regine at Ogie ang nagnanais na malaman kung paano nga ba nagsimula ang ‘love story’ nila at kung ano ba ang tunay na dahilan at nahiwalay si Ogie sa dati nitong asawa.

At nito lamang nakaraan sa isang episode ng programang “Magandang Buhay” sa unang pagkakataon ay isinapubliko nga ni Regine ang tunay na estorya ng pagsisimula ng relasyon nila ng mister na niya ngayon na si Ogie.

Photo Credits: Regine Velasquez| IG

Pag-amin ni Regine, siya ang naging dahilan kung bakit naghiwalay ang dating mag-asawang sina Michelle at Ogie, at hanggang ngayon umano ay hindi pa rin niya maiwasan na sisihin ang kanyang sarili sa kinahinatnan ng buhay mag-asawa noon ng dalawa.

Ayon sa tinugariang Asia’s Songbird, hindi naman niya ginusto yung nangyari, tunay ang kanyang pagsisi na nararamdaman lalo na nga’t batid niya na mayroon silang taong nasaktan. Dagdag pa niya, hindi niya intensyon na makasakit ng iba.

Photo Credits: Regine Velasquez| IG

“My husband and I started that way, pero ‘yun kasi, we were good friends. Hindi ko naman sinasadya. Kasi pwede rin namang mangyari rin talaga ‘yun eh…. hindi mo naman pinipili yung mamahalin mo eh. Parang gusto ko bang sadyain ‘yun, gusto ka ba na merong masaktan? May mga matitinong tao na hindi naman ‘yun ang iniisip nila. It’s just that, sometimes it happen’s”, ang naging saad ni Regine.

Pahayag pa niya, kung maari nga lamang niya ibalik ang panahon ay mas pipiliin niya na hindi siya makasira ng pamilya at walang mga bata ang nakaranas na mag-suffer dahil sa ginawa nilang desisyon noon ni Ogie.

Photo Credits: Regine Velasquez| IG

“And if I can bring back the time? I love my husband, but if I can bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan. Na walang dalawang bata [anak ni Ogie at Michelle] ang nag-suffer because we wanted to be together”, dagdag pang pahayag ng mang-aawit na hindi na nga napigilan pa ang pagbuhos ng luha.

Sa kabila nga ng nangyari noon, ay nagkapatawaran na nga sina Regine at Michelle at tuluyan ng naka move on sa kani-kanilang buhay ngayon. Maayos rin ang samahan ni Regine sa mga anak ng mister niya sa dati nitong asawa. Ngunit aminado nga si Regine na kahit okay na ang kanilang samahan, may pagkakataon pa rin na naalala niya pa rin ang nakaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *