Para Kay Albert Martinez ‘Soulmate’ Niya ang Yumao Niyang Misis at Mahirap Itong Palitan sa Kanyang Buhay Kaya Nanatili Siyang Single Hanggang Ngayon

Kahit pitong taon na ang lumipas mula ng yumao ang misis ni Albert Martibez na si Liezel Martinez ay nanatili pa rin ngang single hanggang ngayon ang biyudong aktor. Naniniwala kasi si Albert na ang yumao niyang misis ang kanyang ‘soulmate’, para rin sa kanya ay mahirap itong palitan sa kanyang buhay lalo pa’t tunay na bukod tangi din ang mga katangian nito.

CREDITS: Albert Martinez| IG

Naka-kuwentuhan ni Dra. Vicki Belo ang aktor na si Albert Martinez sa vlog niya nito lamang nakaraan, at dito ay naibahagi nga ng aktor na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay na mag-isa.

CREDITS: Albert Martinez| IG

Sa pagchi-chikahan ng dalawa ay napag-usapan nila ang mga huling sandali ng dating aktres bago ito tuluyang namaalam. Ayon kay Albert ay mahigit 6-taon na rin nga magmula ng yumao ang kanyang pinakamamahal na asawang si Liezel.

Photo Credits to the owner

Naibahagi ng aktor na ‘accidentally’ lamang nalaman ng yumao niyang misis ang tungkol sa karamdaman nito, at pag-amin niya ng mga panahon na ‘yon ay talagang hindi nila alam kung ano ba ang magandang gawin lalo na’t hindi nila napaghandaan ang ganitong senaryo sa buhay ng kanyang asawa.

Kuwento pa ni Albert, lahat ng mga maaring gawing proseso para gumaling o madugtungan ang buhay ng kanyang yumaong misis ay sinubukan nilang gawin.

Photo Credits to the owner

Kahit labis ding apektado si Albert sa pagkakaroon ng malubhang karamdaman ng kanyang misis, ay hindi rin naman niya nagawang pansamantalang tumigil sa pagtatrabaho, dahil talaga namang hindi biro ang gastusin nila sa pagpapagamot ng kanyang yumaong misis na si Liezel.
Samantala, dahil sa mahabang panahon na rin na biyudo si Albert, ay naitanong naman sa kanya ng celebrity doctor ang estado ng livelife ng aktor ngayon. Hindi naman kasi maitatanggi, na ‘despite of age’ ni Albert, ay nanatili itong makisig.

Photo Credits to the owner

“I don’t have any,” saad ni Albert.

Dagdag na saad pa niya, “I am still enjoying my time with my kids and apo kasi obviously I’ve been working hard and I missed so much time with my kids so now I am parang bumabawi sa kanila.”

Ayon kay Albert nanatili siyang single hanggang ngayon, at ang pinagkakaabalahan nga lamang niya ay trabaho at pagbiibigay ng oras at panahon sa kanyang mga anak at apo. Pagbabahagi pa niya, kapag weekend nga ay ipinagluluto niya ang mga bata.

Photo Credits to the owner

Naitanong rin ni Vicki kay Albert kung may mga babae bang nagpaparamdam sa kanya o dii kaya namna ay kung nagkakagusto ba siya sa iba? Saad nga ng aktor, ay normal naman siguro ang ganung proseso. Pag-amin pa ni Albert, hindi pa rin niya kaya na magkaroon ng karelasyon, lalo na’t tila napakahirap na palitan ng kanyang yumaong misis.

“I don’t go through with it. Parang I’m not ready yet. Liezl’s shoes is very hard to fill”, ani ni Albert.

Naniniwala din si Albert na ang yumao niyang misis ang kanyang ‘soulmate’.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *