OFW na isa na ngayong Online Seller, Kumikita ng 1 Milyon sa Isang Araw, 7 Digits naman sa Isang Buwan, Ibinahagi ang Kanyang Kwento at Sikreto ng Tagumpay

Isa sa mga madaling pasukin ngayon na negosyo ay ang pag oonline selling, kung saan madami na ang gumagawa lalo na noong nag simula ang pandemya. Madami ang mga negosyante na naluge dahil nagsara ang kanilang negosyo dulot ng pandemya, pero madami din ang mga bagong negosyante ang umusbong dahil nagkaroon sila ng opportunity na kumita online dahil halos lahat ng tao ay restricted sa paglabas ng bahay at tanging online lang ang paraan upang makabili sila ng kanilang mga gustong bagay.

Katulad nalang ng isang online seller na si Madel Delos Santos o mas kinilalang ‘Ledam’ ng kanyang mga followers. Isa si ‘Ledam’ sa mga pinakamatagumpay na online seller sa pilipinas matapos kumita ng halos isang milyon sa isang live session lang.

Photo credits: I-witness | Youtube

Sa isang interview kay Madel sa I-witness ng beteranong host na si Atom Araullo, ibinahagi nito ang ilan sa mga naging bunga ng kanyang pag oonline selling na makikita sa San Jose Del Monte Bulacan.

Photo credits: I-witness | Youtube

Makikita ang kanyang ipinagawang malaking mansyon at ilan sa kanyang mga nabiling sasakyan. Pagbabahagi pa ni Madel na dahil sa kanyang pag oonline selling, nararanasan nila ng kanyang pamilya na mabili ang lahat ng kanilang gusto kahit na ang mga mamahaling bagay na dati lang ay kanilang pinapangarap.

Photo credits: I-witness | Youtube

Photo credits: I-witness | Youtube

Photo credits: I-witness | Youtube

Photo credits: I-witness | Youtube

Kwento ni Madel, dati siyang Filipino Overseas Worker (OFW) na nakabased sa japan, dito nagkaroon ng idea si Madel para mag negosyo online, gamit ang kapital na P4,000 nagsimulang bumili si madel ng murang mga bagay na pwede niyang ibenta online, hanggang unti unti na siyang kumita dito na siya nagsimulang bumili ng mga branded na murang bagay sa Japan at ibenebenta niya ng mahal sa Pinas. Ibinahagi din ni Madel na kumikita siya ng 7 digits sa isang buwan sa pagbebenta niya online.

Photo credits: I-witness | Youtube

Maliban dito mayroon din taga bili si Madel ng mga murang bagay sa Divisoria at ibenebenta niya ito ng x4 sa presyo sa Japan, dito niya pinapagulong ang kanyang kita hanggang nakabili na siya ng maraming bagay na pwede niyang ibenta online. Naging malaking factor din sakanya na madami ang kanyang mga followers sa kanyang Facebook. Ibinahagi naman ni Madel kung ano nga ba ang kanyang sekreto sa pag oonline selling at isa nga sa mga mahahalagang bagay na dapat iconsider dito ay dapat daw siguradohin na magaling magsalita at propesyonal, Dapat din magaling mag convince at mag explain ng mga ibenebentang bagay. Dapat din alam kung paano sagutin ang mga katanungan ng mga costumer.

Photo credits: I-witness | Youtube

Isa si Madel Delos Santos sa nagbigay ng inspirasyon at determinasyon sa madami nating kababayan na online seller, at madami siyang naencourage na magsimula na sa pag bebenta online dahil hindi pa huli ang lahat, tamang diskarte lang at kailangan humingi ng gabay at manalangin sa diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *