Net Worth ni Kapamilya Pop Star Princess Sarah Geronimo Tinatayang Aabot sa $75 Milyong Dolyar o Php3.8 Na Bilyong Piso

Sino ba ang hindi ngayon sumusubaybay sa mga bagong kaganapan sa buhay ni Kapamilya Pop Star Princess na si Sarah Geronimo matapos ang kontrobersiyal na sikretong pagpapakasal nila ng ngayon ay asawa ng si Matteo Guidecelli.

Sa kabilang banda, marami ang nagulat na malaki pala ang pagtutol ng ina ng Kapamilya singer na si Mommy Divine sa pagpapakasal ng celebrity couple. At marami ang hindi maiwasang magtanung kung bakit ganoon na lamang ang naging pagtutol ng Mommy ng “The Voice Teens” coach sa naging desisyon nito.

Photo credits: google.com

Isa nga ba sa hindi kumpirmadong naging dahilan ay ang nakakalulang net worth ng magandang singer mula sa kanyang mga kinita sa singing at acting career. Simula ng manalo si Sarah sa patimpalak na ‘Star For A Night’ sa IBC sa edad na 14 siya na ang tumayong breadwinner ng kanilang pamilya kung saan natustusan na niya ang mga pangangailangan nito.

Photo credits: google.com

Samantala, sa isang naging panayam sa “Miss Granny” actress ay inamin niya na hindi siya ang personal na humahawak sa kanyang pera dahil ang inang si Mommy Divine ang nagmamanage nito na lubos naman niya na sinang-ayunan bilang pagpapakita ng respeto at pagmamahal niya dito.

At sa tuluyang pagganda ng career ni Sarah mula sa mga pelikula, concert, TV hosting at mga recording niya isa si Sarah sa pinakamalaking tax payer sa mga celebrity. Ayon pa datos ng BIR nakapagbayad lamang ang singer ng halagang 4.89 milyong piso mula sa kinita niyang 15 milyong piso noong taong 2009 at noong sumunod na taon mula sa kinita niya na 46 milyong piso ay nagbayad siya ng tax na nagkakahalaga na 14.83 milyong piso.

Photo credits: google.com

Samantala taong 2014 ay higit pang nadagdagan ang kinikita ng 31 taong gulang na singer sa katunayan mula sa kinita niyang 61.09 ay nagbayad siya ng 21.47 na milyong piso. At ayon pa sa magazine na ‘Esquire’ sa loob lamang ng anim na taon mula taong 2009 hanggang 2014 ay kumita si Sarah ng 4.3 milyong dolyar na may katumbas na halagang 230 na milyong piso.

Ayon naman sa mga hindi kumpirmadong datos ng sukatin ang net worth niya bilang isang kilalang celebrity ay umabot ito sa halagang 10 milyong dolyar na may katumbas na halagang 509.42 milyong piso. At hiwalay pa dito ang mga kinikita niya bilang isang online blog icon na may halagang $75 milyong dolyar na may katumbas na halagang 3.8 bilyong piso.

Photo credits: google.com

Sa ganda ng itinatakbo ng career ni Sarah ay panigurong mas lalo pang lalaki ang kanyang net worth mula sa mga kasalukuyang proyekto na sa kanya ay nakapila. At masasabing marahil sa laki ng net worth ng Kapamilya singer-host ay malaki ang alalahanin ng ina niyang si Mommy Divine para sa mga personal nitong nagiging desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *