Natitirang P3,500 Piso ng Dating Guro at Isang Single Mom, Nagawa niyang Palaguin ng Mahigit P3.4 Milyong Piso sa Pagoonline Selling

Isang Single mom ang nagbigay inspirasyon sa social media, matapos niyang ibahagi ang kanyang nakamit na tagumpay sa pag oonline selling. Kinilala ang single mom na si Vannerie Picar na dating guro. Tumigil ng pagtratrabaho bilang isang guro si Vannerie dahil naging maselan ang kaniyang pagbubuntis.

Hindi naging madali sakanya ang kanyang mga pinagdaanan lalo na noong nalaman niya na nagloko ang lalaking ama ng kanyang dinadala.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Para masustentohan ang lumalaking anak, pumasok si Vannerie bilang isang call center agent ngunit nagresign din dahil hindi sapat ang kanyang kinikita dito at nagbibigay pa ito sakanya ng stress.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Kaya naman naghanap ng ibang pagkakakitaan si Vannerie, gamit ang kanyang natitirang ipon na P3,500 nagsimula magbenta si Vannerie ng mga beauty products online katulad nalang ng mga skin care products.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Ngunit hindi din naging madali para kay Vannerie ang kanyang pagtitinda online dahil nakakaranas ito ng mga panloloko, ito ung mga online buyer na nanloloko lang o mas kilala sa tawag na mga bogus buyer.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Muntik na din tumigil si Vannerie sa pagtitinda niya online dahil na din sa mga bogus buyer at muntik na siya maluge. Kwento ni Vannerie,

“Minsan kasi may mga costumers na wala palang ready na pambayad. Minsan nangtri-trip lang silang umorder. Noong una, masakit sa akin  kasi pagbalik sa iyo, sira na. Tapos di mo na magagamit, di mo na matitinda. tumigil na kaya ako.?

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Ngunit kumapit si Vannerie at naniwalang malalampasan niya ang nararanasang problema sa kanyang negosyo. Nakaisip ng isang magandang stratehiya si Vannerie kung saan mas napadami niya ang kanyang mga costumer sa pamamagitan ng pag oonline ng kanyang sarili at siya mismo ang gumagamit ng kaniyang mga ibenebentang produkto habang ipinapakita ang before and after na resulta sa kaniyang Tik-tok account.

Photo credits: Jessica Soho | Youtube

Pagklaklaro naman ni Vannerie patungkol sa P3.4 milyon na kaniyang kinita na kumalat online na ang halagang ito ay kita niya na sa buong taon at hindi kada buwan.

Hindi naman akalain ni Vannerie na ang simpleng kahilingan niya ang dati na mabigyan ng pangatas at pangdiapaer ang kaniyang anak at ilang mga kagamitan ay mauuwi pala sa sobra sobra pang biyaya dahil sakaniyang pagsusumikap. Single mom man siya ay napatunayan niya naman na kayang kaya niya tumayo sa sarili niyang mga paa ng walang tulong na nangaling sa ama ng kaniyang anak.

Nagbigay din si Vannerie ng payo sa mga gusto din kumita ng malaki sa online world, kung saan kailangan lang talaga mag sipag, wag sumuko at laging manalangin sa panginoon para may guidance sa lahat ng desisyon sa buhay at sa pagnenegosyo.

Isa si Vannerie sa mga netizen na dapat tularan at gawing inspirasyon dahil sakanyang sipag at tiyaga at determinasyon na kumita para sakaniyang anak ay napagtagumpayan niya lahat ng struggle na kaniyang pinagdaanan, ngayon tinatamasa niya na ang buhay na nararapat para sakanya.

Kapuso Mo, Jessica Soho: PAANO YUMAMAN NGAYONG 2022?

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *