Narito ang Ilan sa Pinakamagagarang Rest House at Resort ng mga Sikat na Artista na Maaari ninyong Idagdag sa mga Lugar na Pwede ninyong Pasyalan

Ramdam na nga ang panahon ng tag-init at isa sa ibig sabihin nito ay ang pagdami ng mga turista na nais bumisita sa iba’t ibang lugar. Sa kasamaang palad, dahil sa banta ng COVID-19, marami sa mga bakasyunista ang mas pinipiling mamalagi sa mga pribado at eksklusibong rest house. Ilan nga sa mga sikat na personalidad ay mayroong resorts at rest house na bukas sa publiko.

Kung nais ng pamilya na pumunta sa tahimik at mas malapit na destinasyon, perpekto ang River Garden ni Marjorie Barretto. Ilang oras lamang ito mula sa Maynila. Bukod sa malawak na common areas at sapat na kwarto, mayroon din itong pool para sa lahat.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Swak na swak din ang lokasyon na ito para sa mga gustong manatili sa tahimik na lugar na malapit sa kalikasan dahil kitang-kita mula rito ang ganda ng Angat River. Dahil sa ganda ng River Garden, sulit na sulit ang 25,000 pesos per night na renta dito.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Bagay na bagay din naman para sa mga magkakaibigan ang rest house nina Chito Miranda at Neri Naig sa Tagaytay. Mayroon itong dalawang master bedrooms at dalawang barkada rooms. Maaari ding mag-enjoy ang mga turista sa pool ng rest house. Ayon kay Chito, bawat kwarto ay maaaring rentahan sa halagang 5,000 pesos per night ngunit ang buong lugar ay maaaring rentahan sa halagang 20,000 pesos per night.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube

Photo credits: Chito Miranda | Youtube

Photo credits: Chito Miranda | Youtube

Para naman sa mga may gustong magkaroon ng luxury farm experience, bagay na bagay ang Casa Esperanza Farm Stay ng mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla at ng kaniyang partner na si Architect Conrad Onglao. Makikita ang farm na ito sa Lucban, Quezon. Bagamat napapalibutan ito ng mga pananim, moderno naman ang dating ng rest house at pool dito. Maaaring makapag-book ang mga bisita sa AirBnB sa halagang 23,000 pesos per night.

Photo credits: Casa Esperanza Farm

Photo credits: Casa Esperanza Farm

Photo credits: Casa Esperanza Farm

Photo credits: Casa Esperanza Farm

Pagdating sa magagarang mga rest house, tiyak na hindi magpapahuli ang aktres na si Heart Evangelista. Ang Harlan Beach Villa na makikita sa Boracay ay perpekto para sa mga bakasyunista na mas gustong mag-relax sa beach. Siguradong magiging komportable ang mga bibisita rito lalo na sa nipa-themed na mga rest house dito. At dahil mayroon pang pandemya sa ngayon, mayroong 50% discount ang mga bisita kaya naman maaari nilang rentahan ang buong villa sa halagang 50,000 pesos per night.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Bukod sa mga beach resorts sa Boracay, mayroon ding napakagandang beach resort sa Baler na pagmamay-ari ni Sam Pinto.

Photo credits: Iserene_ | IG

Photo credits: Iserene_ | IG

Maaaring mag-enjoy ang mga turista sa kakaibang pool ng L’Sirene Boutique Resort sa halagang 4,900 pesos per night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *