Marjorie Barretto, Ipinasilip ang Kaniyang Napaka Ganda at Nakakarelax na River Garden Rest House sa Bulacan

Karamihan sa mga tao ngayon ay naghahanap ng lugar kung saan maaari silang makapagpahinga at pansamantalang makalayo sa ingay ng siyudad. Para sa mga may-kaya sa buhay, kumukuha sila ng property sa mga probinsya at ginagawa nila itong bakasyunan. Karamihan sa mga ito ay pribado ngunit ang iba naman ay bukas sa publiko.

Gaya ng mga taong ito, mayroon ding rest house si Marjorie Barretto sa Bulacan. Ipinasilip niya sa isang vlog ang mga detalye at kwento ng rest house na ito. Ayon sa kaniya, napaka-espesyal ng property na ito sapagkat dito lumaki ang kaniyang limang anak. Bukod sa pagiging bahay-bakasyunan, dito na rin nila ginaganap ang mga family reunion.

Sa unang tingin pa lamang ay makikita na ang maka-Pilipinong tema ng lugar dahil sa mga lokal na materyales at dekorasyong ginamit para dito. Resulta din ito ng 20 taong pagtatrabaho ni Marjorie. Maging ang ilan sa mga dekorasyong makikita ay minana niya mula sa kaniyang Mommy Estrella gaya ng mga jars, antique altar table, at paintings. Kwento niya,

“My mom has passed on to me a lot of her furniture kasi we share the same passion for home.”

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Sa pavilion at gazebo makikita ang tatlong dining areas. Bagay ito sa mga bonding activities ng pamilya ngunit ang paboritong espasyo ng mga anak ni Marjorie ay ang deck kung saan matatanaw ang kagandahan ng Angat River. Talagang perpekto ang lugar na ito upang makapagrelax ang pamilya.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Dagdag pa rito, mayroon ding courtyard at pool ang rest house. Kwento ni Marjorie, naipagawa niya ang pool na ito sa tulong ng kaniyang napanalunan sa game show na “Pera o Bayong”.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Probinsyang-probinsya naman ang dating ng open-space na kusina. At dahil paborito ng pamilya ang mga inihaw na pagkain, hindi mawawala ang grilling station dito. Ipinakita din ni Marjorie ang apat na kwarto ng rest house.

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Photo credits: Marjorie Barretto | Youtube

Ipinangalan ang bawat kwarto sa mga lokal na bulaklak — Bougainvillea Room, Gumamela Room, Sampaguita Room, at Santan Room. Talagang napakaganda ng bawat kwarto dahil bukod sa pasok pa rin sa tema ang mga disenyo, mayroon ding en suite bathroom ang mga ito.

Sa ngayon ay binuksan na rin ni Marjorie ang pinto ng kanilang rest house para sa ibang taong nais bumisita rito. Para sa mga bisita, maaari nilang maranasan ang katahimikan at kagandahan ng lugar sa halagang 25,000 pesos per night.

RIVER GARDEN REST HOUSE TOUR | Marjorie Barretto

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *