Ang pagkakaroon ng bahay sa gitna ng palayan ay isa sa mga pinapangarap ng marami, yung pag gising mo uupo ka lang sa isang bangko, magkakape habang finifeel mo yung napakagandang vibes ng kapaligiran, yung masarap na simoy ng hangin, yung malayo sa magulong siyudad at tanging mga huni ng ibon, tunog ng mga hayop ang iyong mapapakingan.
Isa ito sa ultimate goal ng mag-asawang OFW na sina Eric Salamat at Monica Adapon na kanilang naisakatuparan. Ayon kay Eric na ang lupaing kinatatayuan ng kanilang farm house ngayon ay dating palayan na kanilang pinatabunan lang.
Photo credits: OG | Youtube
Ang total lot area ng kanilang lupa ay nasa 500 sqm at ang kanilang bahay naman na ipinatayo ay may kabuoang sukat na 36sqm. Samantala may ipinagawa din silang mini swimming pool na may sukat na 27 sqm kasama na ang porch area.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Ang kanilang bahay ay ipinatayo nila na full concrete pero nilagyan lang nila ito ng amakan para maging unique ang itsura at para maging mukang modern bahay kubo na mag mimix naman sa itsura ng kapaligiran.
Photo credits: OG | Youtube
Pagbungad palang papasok sa kanilang bahay ay ang mini terrace na may mga rattan chairs at tables kung saan dito sila namamahinga, nagkakape sa umaga at naguunwind habang nilalasap ang preskong hangin ng kapaligiran.
Photo credits: OG | Youtube
Kumpleto naman ang mga essential equipment ng mag-asawa katulad ng jetmatic at puso para sa tubig, solar panel naman para sakanilang ilaw at para makatipid sa kuryente.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Maliban naman sa mga kwarto sa kanilang bahay, bumili din ang mag-asawa ng separate na mini kubo kung saan may sarili itong kusina, sala at double deck na higaan kung saan dito nila pinapatulog ang kanilang mga guest na bumibisita sakanila.
Photo credits: OG | Youtube
Isa naman sa pinaka paboritong spot ng mag-asawa ay ang kanilang inilagay na duyan. Dito sila humihiga at nag rerelax habang pinapanood ang sunrise sa umaga, at sunset naman sa gabi, kitang kita din dito ang napakagandang tanawin ng bundok.
Photo credits: OG | Youtube
Photo credits: OG | Youtube
Ang pinaka paborito namang lugar ni Monica ay ang kanilang porch kung saan dito siya nagtratrabaho dahil siya ay work from home ngayon. Ang view din diumano dito ang nagpapaganda ng kanyang mood at dahil dito mas ginaganahan siyang magtrabaho at nawawala ang kanyang stress.
Photo credits: OG | Youtube
Kwento ng mag-asawa na hindi naging maganda ang kanilang karanasan noong nakalipas na taon dahil naexperience ni Monica ang miscarriage kung saan talagang nasaktan sila ng husto, kaya naman para ma divert ang kanilang atensyon at pansamantalang makalimot naghanap sila ng paraan upang may mapaglibangan. Isang post sa facebook ang kanilang nakita kung saan nagpatayo ito ng retirement home na naging inspirasyon naman ng mag-sawa.
Dito napagusapan ng mag-asawa na magpatayo din sila ng ganito, sakto naman na may bakanteng lupain si Eric na pwede nilang magamit para mapagpatayuan ng kanilang pinapangarap na bahay.
Photo credits: OG | Youtube
Ipinaliwanag din ng mag-asawa na ang lahat ng kanilang naipatayo na ito ay para talaga sa kanilang future family especially sa kanilang anak na parating, kaya naman may swimming pool.
Photo credits: OG | Youtube
Ipinakita din ng mag-asawa ang loob ng kanilang bahay kung saan fully furnished ito at talagang namaximized ang mga space. Kahit hind ganoon kalaki, maipagmamalaki naman ng mag-asawa na sobrang comfortable sila dito.
Pagbabahagi ng mag-asawa gumastos sila ng higit kumulang 1 milyon sa pag-papagawa ng kanilang bahay at swimming pool at dahil madami din silang mga ipinadagdag which is madalas naman mangyari sa mga nagpapagawa ng bahay.
Photo credits: OG | Youtube
Talagang masarap magpagawa ng ganitong bahay, especially kung yung lugar na pagtatayuan mo ay sobrang ganda at nakakarelax ang kapaligiran, yung tipong araw-araw pagising mo laging naka set ng maganda ang mood mo. Gawin nating inspirasyon ang mag-asawang si Eric at Monica para magkaroon din tayo ng lakas ng loob na maipatayo ang ating mga dream houses.