Mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna, Ibinahagi Ang Kanilang Masayang Honeymoon Sa Africa

Matapos nga maganap ang pag-iisang dibdib ng mag-asawang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay, ay hindi nga mawawala ang kanilang honeymoon. Ilang buwan matapos silang maikasal noong nakaraang taon buwan ng Nobyembre, sa wakas nga ay natuloy na rin ang planong mag-honeymoon ng mag-asawang Derek at Ellen sa Africa.

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Minsan nang ibinahagi ng mag-asawa ang plano nilang magkaroon ng isang luxury African safari honeymoon. At kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ng celebrity couple sa social media ang kanilang masayang honeymoon sa Africa.

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Makikita sa sunod-sunod na Instagram post nina Ellen at Derek ang kanilang enjoy na enjoy na bakasyon. Nitong nakaraang linggo lamang umalis ng bansa ang mag-asawang Ellen at Derek kasama ang anak aktres na si Elias, at assistant niyang si Jessa para magtungo sa Africa.

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Para sa kanilang masayang African safari adventure ay makikitang nag-stay sila sa The Manor sa Ngorongoro na matatagpuan sa Ngorongoro Conservation area sa Central Tanzania. At dito nga ay talagang sinulit nila ang oras para mag-enjoy at nasilayan ang iba’t ibang klaseng hayop.

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Ayon naman sa Ngorongoro Conservation Area Authority website, ang malawak na lugar ay nagtataglay ng “115 species of mammals recorded for game-viewing. Including zebras, elephants, lions, cheetahs, hyenas, leopards, jackals, serval cats, and the endangered wild hunting dogs. There are over 550 recorded species of birds in the Conservation Area.”

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Kaya naman, talagang nabusog ang mga mata ng mag-asawang Ellen at Derek sa kanilang nasilayang mga hayop, lalo na nga si Elias na talagang enjoy na enjoy rin.

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Maliban naman sa kaning safari adventure, ay bumisita rin sila sa iba pang lugar sa Africa. Matapos nga ang kanilang pananatili ng ilang araw sa Ngorongoro, ay ibinahagi naman ni Derek sa kanyang mga followers na lumipat sila sa Serengeti kung saan nga ay apat na oras na byahe mula sa kanilang unang lokasyon. Sa kanila namang pananatili sa Serengeti, ay mas pinili naman ng mag-asawa na isang rustic tent-like ang kanilang tuluyan para sa masaya nilang adventure.

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Sa bawat larawan nga ay makikita kung gaanong nag-enjoy ang mag-asawang Ellen at Derek kasama si Elias sa kanilang bakasyon. Kitang-kita rin sa mga litrato ang patunay ng isang masayang pamilya. Sa kanilang masayang bonding moments nga, at masayang ngiti ay isang patunay na ang kanilang pamilya ay puno ng saya at pagmamahalan.

Photo Credits| Ellen Adarna |IG

Matatandaan na unang isinapubliko nina Ellen at Derek ang kanilang relasyon noong nakaraang taon buwan ng Pebrero. Makalipas lamang ng isang buwan, ay naengaged naman sila noong Marso. At ilan buwan pa lamang nga ang nakalipas ay naganap naman ang kanilang pag-iisang dibdib buwan ng Nobyemre sa pamamagitan ng napakagandang sunset wedding ceremony na naganap sa Bataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *