Mag-asawa Nagpatayo ng Maliit na Container House na may Viewing Deck at Swimming Pool

Nagiging trend na ngayon ang mga bahay na gawa sa container, ilan nga sa marami nating naifeature sa blog na ito ay ang mga nagviral na napakagandang bahay na gawa sa container na namaximize talaga nila ang space.

Katulad nalang ng mag-asawang si alden at Dianne na nagviral dahil sa pinagawa nilang Container House na may Viewing Deck at swimming pool, ayon sa mag-asawa nabili nila ang lupa na ito sa isang ahente na may sukat na 205 sqm na matatagpuan sa Binangonan Rizal.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Ayon sa sa mag-asawa pinili nilang mag-pagawa ng container house dahil mas mabilis itong gawin at pwedeng ilipat anytime na mag decide silang patayuan ng building ang nabili nilang lupa for future plans. Pangarap din diumano ng mag-asawa na magkaroon ng bakasyonan kahi maliit lang na bahay pero may malaking outdoor area kung saan sila makakapag bonding habang ineenjoy ang napakagandang ambiance at ang malamig na simoy ng hangin.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

“We thought it would be nice to build a small home as fast as we could with limited footprint. It’s a home where we could spend more time outdoors just enjoying the ambiance and cooler weather. We then worked on the design, fulfilled the requirements and then started the construction,” explain ni alden

Sa loob lamang ng 4 na buwan, naisakatuparan ng mag-asawa ang kanilang pinapangarap na tiny house na may napakagandang ambiance sa tulong narin ng kanilang mga magagaling sa skilled workers at laborers. Naging maganda din ang desisyon ng mag-asawa na ipa rent-out ito sa mga naghahanap ng quick vacation escape na may magandang ambiance kapag hindi nila ito inuuwian, kaya naman napagkakakitaan din nila ito.

Photo credits: realliving.ph

Ayon sa mag-asawa ang container home na kanilang napagawa ay may total na sukat na 60sqm floor area,

“It’s modern, minimalist, and has simple styling. The colors used work well with the beautiful natural landscape of the place as well,” ayon sa mag-asawa.

Talagang namaximize ng mag-asawa ang space at walang nasayang.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Makikita din ang napakagandang view sa kanilang balcony at roof deck, kung saan ito ang pianka paborito nilang spot lalo na pagnagbobonding silang mag-asawa kasama ang kanilang malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Maliban dito ay mayroon din silang swimming pool na konektado sa kanilang roofdeck kung saan kitang kita ang napakagandang view ng siyudad.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Talagang hahanga ka sa naachieve ng mag-asawang ito, talagang nakakainspired gumawa ng gaya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *