Mag-Asawa Nagpatayo ng Bahay Kubo na may Mini Swimming Pool, Bathub, Open Kitchen at Dining Room sa Gitna ng Tubuhan

Maraming kwento na ang na i-feature natin sa ating mga blogs at ilan nga dito ay ang mga pamilya na nagpagawa ng bahay sa probinsya upang may mauwian sila kapag gusto nila magbakasyon sa probinsya malayo sa magulong ingay ng lungsod.

Katulad nalang ng mag-asawang si Alexis 41 years old at Honey 36 years old, kung saan bumili sila ng lupa sa batangas at pinatayuan nila ito ng modern bahay kubo. Ayon sa mag-asawa nakita nila ang lupa sa isang post sa facebook kaya naman tinignan nila ito, sobrang nagustohan ng mag-asawa ang lugar kung saan may tahimik at nakakarelax na vibes.

Nagdown ang mag-asawa upang magsecure nila ang lupa at January 2021 ng mafull nila at totally mapasakanila na ang lupa.

Unang ipinatayo ng mag-asawa ay ang water pump upang may source sila ng tubig para kapag magpapasimula na sila magpagawa ng bahay ay hindi na sila mahirapan.

Photo credits: OG | Youtube

February 2021 ng magsimula ng construction ang mag-asawa kung saan nagpatayo sila ng 5.5x6meters na modern bahay kubo na may swimming pool. Inabot ng halos apat na buwan ang kanilang pagpapatrabaho at ng May 2021 ay natapos ang construction.

Photo credits: OG | Youtube

Ayon sa mag-asawa sobrang naeenjoy nila ng kanyang pamilya ang pagbabakasyon nila dito, dahil presko ang hangin, nagigising sila ng maaga around 4:30am to 5:30 am dahil sobrang dami daw ng alarm clocks katulad ng umuunga na baka, tunog ng mga ibon na humuhuni, mga manok na tumitilaok at marami pang iba.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Naeenjoy din diumano nila ang pag gagardening dahil sa napakalawak nilang bakuran, nakakapagtanim sila ng ibat ibang uri ng halaman at gulay na gusto nila.

Photo credits: OG | Youtube

Unang unang makikita pagpasok ng kanilang bakuran ay ang open dining room kung saan mararamdaman mo ang preskong hangin. Kalapit naman nito ay ang kusina kung saan dito sila nagluluto.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Katabi naman ng kanilang dining room at kusina ay ang maliit na mini swimming pool kung saan dito naliligo ang kanilang mga anak na may mountain view at star gazing naman pagka gabi.

Photo credits: OG | Youtube

Ayon naman kay Honey isa sa pinakapaborito niyang spot sakanilang bahay kubo ay ang kanilang bathroom na may modern touch, dito siya madalas mag me time habang nagiistargazing.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ayon sa mag-asawa ang buong akala nila ay gagastos lamang sila ng around P500,000 sa pagpapatayo nito, pero habang nagproprogress ang kanilang pag-papagawa ay hindi na nila namalayan na somobra na pala sila sa kanilang expected budget. Umabot na pala ng higit kumulang P1,000,000 ang kanilang nagastos.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Pero ayon sa mag-asawa, pinapaupahan na din nila sa airbnb ang kanilang bahay kubo na ito kapag sila ay wala dito, dahil gusto din diumano nila maibahag ang nakakarelax na experience na kanilang nararanasan kapag sila ay nandito. Nagpagawa na din sila ng isang maliit pa na bahay kubo para sa personal use nila.

Sobrang sarap talaga tumira sa mga ganitong lugar kung saan wala kang maririnig na ingay ng mga sasakyan at tanging mga tunog lang ng hayop, kapaligiran, hangin ang iyong maririnig. Kaya naman isang inspirasyon sa maraming nangangarap na magkaroon ng ganitong setup ng bahay sina Alexis at Honey.

Farm Life: Why This Airy Tiny House For 1 Million Is Worth It | Unique Homes | OG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *