Mag-asawa Ginawang Negosyo ang Kanilang Vacation Home na Ngayon ay Tinawag nilang “Bakuran”

Isa nanamang nakakabilib na couple ang naging inspirasyon sa marami matapos nilang gawing negosyo ang kanilang Vacation House.  Ibinahagi ni Ricca Del Rosario na noong nagsimula ang pandemic natakot sila na ilabas ang kanilang mga anak, kaya naman ang naging getaway vacation spot nila ay ang kanilang acquired lot sa DRT Bulacan na nabisita lang nila noong nagkaroon ng malawakang lockdown.

Photo credits: OG | Youtube

Dito ang naging pasyalan ng kanilang pamilya dahil dito ay malayo sa magulong syudad, maganda ang kapaligiran dahil napapalibutan ng bundok, presko ang simuy ng hangin at higit sa lahat pwede silang magtangal ng mask dahil kunti lang ang tao.

Photo credits: OG | Youtube

Ayon kay Ricca nagtry lang sila na pumasyal dito ng isang beses hanggang nawili na sila at naenjoy dito, madalas na sila dito pumasyal hanggang every week andito na sila. Nagsimula magpalagay ng bakod ang mag-asawa kung saan pinalibutan nila ang kanilang buong lote ng kawayan na bakod kung saan mas nakamura sila at dahil yun ang uso dito sa lugar nila.

Photo credits: OG | Youtube

Nang matapos ang kanilang pagpapagawa sa palibot ng kanilang property, dito na nila nakuha ang pangalan ng kanilang lugar na pinangalanan nilang “Bakuran”. Nagsimula nadin magpagawa ng kubo ang mag-asawa upang mayroon silang matirhan kapag andito sila, naglagay narin sila ng kanilang mga alagang hayop katulad ng manok.

Photo credits: OG | Youtube

Dahil napansin nila na di kumportable ang kanilang mga anak sa kubo na kanilang ipinagawa at dahil wala pang stable na kuryente at tubig, dito na nagdesisyon ang mag-asawa na eestablished ang lupa at palagyan ng permanenteng tubig at kuryente. Dito narin sila nagsimula magpagawa ng kanilang kauna unahang cabin na tinawag nilang “Balai Ate.”

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Dito na din nagtuloy tuloy ang construction ng buong lugar, hanggang nagadagdagan pa ng dalawang cabin at mga common areas, nagpagawa na din sila ng swimming pool kung saan pwede silang maligo o ang kanilang mga guest habang ineenjoy ang napakagandang view ng kapaligiran.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Ang bakuran ay matatagpuan sa Dona Remedios Bulacan, kung saan open sila sa lahat ng naghahanap ng kakaibang experience na bakasyon.

Ayon kay Ricca ang kanyang asawa ang nagdisenyo ng lahat ng nakatayo sa bakuran dahil isa itong engineer at dahil nagmamayari din sila ng construction company. Ayon din kay Ricca, ang bawat cabin na kanilang ipinatayo ay aabot ang halagang nagastos sa 1.5 milyong piso dahil every part daw ng cabin ay detalyado at ang mga materyales na ginamit ay unique at mahirap hanapin.

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Photo credits: OG | Youtube

Hindi ganoon kalaki ang bakuran at ayon kay Ricca perfect ito para sa small group or family na gustong magbakasyon. Ang bakuran ay may 1,300 sqm lot area na may 300 square meters parking area.

Photo credits: OG | Youtube

Ang bawat cabin naman ay may sukat na 20 hanggang 25 sqm per cabin. Talagang mapapahanga ka sa ganda ng Bakuran.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *