Kilalanin si Jamie Chua, Ang Babaeng May Pinaka-Maraming Koleksyon ng Hermes Bags sa Buong Mundo

Sino ba naman ang babaeng hindi nangangarap na magkaroon ng ‘hermes bag’? Halos nga naman ng kababaihan ay pinapangarap ang magkaroon ng ganitong uri ng mamahaling bag. Karamihan nga sa mga sikat at popular na kababaihan ay nagmamay-ari ng Hermes, kagaya na lamang ng ilang mga kilala nating aktres sa showbiz, kagaya na lamang nina Jinky Pacquiao, Heart Evangelista at marami pa ngang iba.

Credits: Jaime Chua| YT

Kung sa mga sikat na celebrity na nagmamay-ari ng ganitong uri ng bag ay humahanga na tayo at talaga namang napapa-sana-all tayo sa mga koleksyon nila, ay mas mapapa-sana all at mapapa-wow pa tayo sa babaeng si Jamie Chua, dahil hindi lamang nga iilang mga Hermes bags ang kanyang koleksyon kundi talaga namang napakarami nito, kaya siya lang naman ang babae na may pinaka maraming Hermes Bags collection sa buong mundo.

Credits: Jaime Chua| YT

Ang babae ngang ito ay si Jamie Chua isang dating flight attendant na ngayon ay isa ng popular na social media influencer. Si Jamie ay kilala ngayon sa buong mundo bilang ang babaeng may pinakamaraming koleksyon ng Hemes Bags at Kellys bags sa buong mundo, kung saan dahil nga sa dami nito ay nagmukha ng mini-museum ng bag ang silid napinaglalagyan niya ng mga ito.

Credits: Jaime Chua| YT

Kilala din bilang metro’s richest entrepreneur’s si Jamie at siya rin ang founder ng Singaporean beauty brand na Luminous1. Ayon nga sa ulat siya ay nagmamay-ari ng mahigit sa 200 pirasong iba’t ibang klase ng Hermes bags. Dahil din sa dami ng kanyang mga koleksyon na ito ng bag ay kinakailangan pa nga niyang palakihan ang kanyang closet, para lamang magkasya roon ang lahat ng mga bags niya.

Credits: Jaime Chua| IG

Noong nakaraang taong 2016 buwan ng Hulyo, ay nagbigay pasilip si Jamie sa mga followers niya sa YouTube ng hitsura ng kanyang napakalawak na walk-in closet.Sa isang pahayag naman ni Jamie sa panayam sa kanya ng PurseBop, isang designer handbag enthusiast ay ibinahagi niya na halos 15-taon na rin siyang nangongoleksyon ng mga Hermes bags, dahil sa talaga namang gustong gusto niya ito.

“Being the ultimate stealth wealth symbol that a Birkin or a Kelly was, everyone was suddenly lusting after it, which made it really hard for me to lay hands on one”, saad niya.
Dagdag pa niya, “Even until today, I still find that the B or the K suits my lifestyle the best.“They fit the stuff I need for a day, and it’s really easy to find my things in them!”

Credits: Jaime Chua| YT

Ibinahagi din niya na ang kauna-unahan niyang Hermes bag ay ang “Blue Jean [Togo Birkin 30cm] bag with white stitches,” kung saan ang halaga nga nito ay umaabot sa $22,775 or PHP1.1 million.
Nang tanungin naman ang 44-taong gulang na beauty mogul kung ano ang pinakapaborito niya sa mga koleksyon niyang bag ay sinabi niya na ito ay ang kanyang Himalayan Birkin at Kelly.

Credits: Jaime Chua| YT

Ayon pa sa ilang mga ulat, si Jamie ay nagmamay-ari din ng three styles of Himalayan line, at noon namang nakaraang buwan ng Hunyo ay naging record-breaking ang na ang white Himalaya Niloticus Crocodile Diamond Birkin ay ay nagkakahalaga ng $379.261 o Php18.8 million.
Napakabongga naman talaga ni Jamie, dahil hindi lamang mga Hermes bags ang collection niya dahil napakarami din niyang mga mamahaling sapatos.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *